Chapter 30

10.4K 470 31
                                    

A/N: Sorry for late update! Enjoy and please don't forget to vote. 

Chelsie Madrigal

When we experienced something bad na halos ma-trauma na tayo sa sakit,  may ilang mga hindi kinakaya ang bigat ng damdamin.  Worst case,  nabubulag sila sa lungkot at kalauna'y nasasayang ang buhay na napakarami pang pwedeng ma-explore.  It's like failing for the first level of the game and not trying again, because you thought, things would be the same. 

They believe kasi with the quote, "History repeats itself."
Whereby I believe—walang ganoong echos! Tanging mind set lamang ng tao iyon to make him or herself far from getting hurt by stepping on same situations.  Para silang umiilag sa panang hinding-hindi naman itututok sa'yo ng killer na hindi nakikita. He's just a fictitious pigment of our own defense mechanisms. 

In the first place,  there's no such same situations.  Maaaring mayroong hawig,  but being on the same isn't possible.  There's a huge contrast to both circumstances.  The time,  the atmosphere, the feelings, the person and many more to mention.

Pero hindi naman masamang magkaroon ng takot. Kasi kung wala ka noon ay careless ka. Dapat yung tipong kapurit lang at saktong-sakto ang pagiging cautious para hindi ka madikdik nang pinong-pino sa sakit.  Kasi kapag sobra,  hindi mo alam na hindi ka pa literal na patay ay namatay ka na.

Naalala ko tuloy ang pakiusap sa'kin ni ate Cheska.  She seems too scared para sa akin.  Ganoon na siya naapektuhan nung mga pinagdaanan niya. Napangitngit tuloy ang mga ngipin ko sa ideya na sinasaktan siya nung pesteng Reynal na iyon. Ngayong magkalayo sila,  animo'y kinauutangan na lamang niya ang ate ko at mga anak nito sa pinadadala niya. Kung mayaman lang kami,  baka tumanggi na rin akong itigil na ni ate ang koneksyon na iyon.

From that,  naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni ate kaya wala akong kahit kaunting galit para sa mga suhestiyon niya kagabi.  I just wanted to make her see how worthy Super is.  Para masaksihan niya na hindi lahat ng lalaki,  ay kagaya nang iniisip niya. 

Madaling araw ngayon at naalimpungatan lang ako.  Tulog pa si Baklita sa tabi. Nakaharap siya sa'kin na parang maamong batang hindi papalag kapag inaasar. 

"Sabi ko na nga ba't mabait ka kapag tulog." Kinurot ko ang pisngi niya pero tulog mantika ang eksena nito. 

Tumitig na lamang muli ako sa kisame at hinintay na muling dumalaw ang antok.


---

Bumaba na ako papuntang kusina.  Nasa hagdanan pa lamang ay dinig ko na ang ingay nila.  Ang aga-aga pero ang tawanan nila ay kala mo tanghalian na. 

"Anong meron?  Ba't ang energetic ng mga tao? " Bati ko sa kanila na lahat ay busy sa pag-aalmusal.  Lahat sila nandito sa kusina—maski si Super.  Hindi ba't maaga siya aalis? 

"Akala ko ba maaga kang aalis?" Turan ko nang magtama ang tingin namin. 

"Naku naman, Cheche!  Pag-almusalin mo muna ang asawa mo, hindi kita pinalaking masokista ha," sabat ni Mitu. Nagtawanan silang tatlo.  Nasipat ko si Super na napakamot na lamang ng ulo. Halatang napilitan siya kaya't ngumisi na lamang ako.  Trip niya iyan e,  hindi siya marunong humindi, push natin!

Nagsipilyo ako sa lababo habang patuloy na maingay sila sa harap ng hapag.  Pinagkukwento nila si Super na tila ini-hot seat ng mga mudra ko. 

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon