Chapter 18

10.8K 616 33
                                    

Chelsie Madrigal

Masayang-masaya ako na nakita ko ulit si Kuya Alex. Matagal na simula nung nag-quit siya sa pagiging paparazzi at nagsimulang maging staff sa mga production. Kahit ganoon, sa kung paano niya ako i-approach ay parang walang nagbago sa kaniya. Sabi nga nila, 'di ba, ang tunay na tropa; matagal mang hindi magkita, walang magbabago sa trato sa isa't isa.

Niyakap ako ni Kuya Alex. Nagulat pa ako nang gawin niya iyon kahit na hindi alam ng mga tao dito na magkakilala kami.

"Aray naman...kahit kailan talaga pa-sweet ka, Kuya Lex."

Inialis ko ang higpit ng mga braso niya at bahagyang lumayo nang kaunti. Alam niya namang ayoko ng mga cringey na bagay, pero talagang ganoon pa rin ang ginagawa niya! Nakakaloka!

"Kumusta ka? Lalo kang gumaganda ah?!" Ginulo niya pa ang buhok ko. Tumaas naman ang kumpiyansa ko bigla sa sarili. Inayos ko ang aking buhok at ngumiti. Pakiramdam ko tuloy namula pa ako sa complement na binigkas niya kahit pa alam ko namang taglay ko na iyon.

"I know right! Simpleng bagay pinapansin mo pa," tugon ko naman. Hinampas ko pa siya sa kaniyang braso at sabay kaming tumawa.

"Dami ko nang nabalitaan sa'yo ha, jackpot ka sa boyfriend mo," aniya. Nagawi ang tingin niya kay Super na busy makipag-usap sa matandang dumating kanina.

"E sinong mas jackpot sa'ming dalawa ha?" tanong ko naman na hinaluan ng may pagbabantang tono. Umayos ka ng sagot!

"S-Syempre ika—Si Super," nagkunwari siyang nagdalawang isip.

"Iyan ang gusto ko sayo e," natatawang asik ko. Nag-apir kaming dalawa dahil sa pagkakasundo sa kalokohan. Nang maubos ang mga halakhak ay muli akong nagsimula nang pagtatanong.

"Hindi mo sinabi sa'kin nandito ka pala sa show ni-"

Ngunit naputol ito nang tawagin ako ni Super. Kahit kailan talaga, Super. Proper timing.

"Usap tayo mamaya," pagpapaalam ko.Sumenyas na lamang si Kuya Alex na pumunta muna ako doon sa mga nakapalibot na tao kay Baklita. 

Halos lahat pala sila ay nakatingin sa'kin. May ilang mga nakangiti at ilan naman na ang talas ng titig. Nakaramdam ako ng ilang, pero anong silbi ng workshops kung hindi ako eeksena rito, hindi ba?

Ningitian ko sila at dumiretso ako sa tabi ni Super. Napagtanto kong pinag-uusapan nila ako nang muling magsalita ang nobyo-nobyohan ko. 

"Isinama ko na ang future wife ko, namiss ko kasi siya, hindi ko kaya na hindi ko na naman siya makasama ng ilang araw," usal nito na nasuklian agad ng samu't saring kantsiyaw.

"Hi, hello po..." bati ko. Napansin ko ang ismid ng ilang kababaihan, mga pekeng ngiti at ilan namang tama lang.

"Wifey, si Direk Janette nga pala, sino kausap mo do'n?" saad pa sa'kin ni Super. Ikinapit niya ang kaniyang kamay sa beywang ko. Shuta! Hindi ako napeprepare, para tuloy akong patagong napabalikwas sa loob-loob ng pagkatao ko.

"Old friend, si Alex—Nice meeting you po, Direk Janette," sagot ko kay Baklita at pagkatapos ay agad itinuon ang aking atensyon sa direktor. Iniabot ko pa ang kamay ko and we shake each others hand.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon