Chapter 26

10.4K 607 20
                                    

Chelsie Madrigal

Lakas loob akong bumaba sa mismong party area. Gusto ko sanang palabasin na lang sa magkabilang tainga ko ang mga bagay na narinig ko kani-kanina. Bakit ba kasi ako nag-expect kay Super? Kasalanan ko rin naman, alam kong malaki ang ginawa ko sa kaniya pero naniwala akong kinakaibigan niya ako. May pa-protect conserve preserve pa siyang nalalaman dahil daw girl bestfriend niya ako, tapos ganoon naman pala ang nararamdaman niya? Para saan pa, 'di ba?

Kumuha agad ako ng dalawang baso sa nakasalubong kong waiter na may bitbit na mga alak. Mabilis ko itong tinungga. Nandito na naman ako sa isyu ng mga kaibigan-kaibigan na iyan. Bakit ba lagi na lang ako naiipit sa ganito? Mali bang magtiwala sa tao?

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa'kin na too much love will kill you raw. Parang nirerelate niya yata sa mga pagmamahal ko sa kaibigan iyon. All this time, sa kaniya ko pala dapat i-apply iyon? Sa kabila ng tiwalang binigay ko ganito pa ang balik? Is he trying to kill me with the pain he had put from those words?

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Gusto ko rin maging katulad nila. Naiinggit ako. Sana lahat masaya lang. Sana lahat hindi na lang napapansin na maaaring sa mga nakasalumuha nila, binebetray na pala sila. Para sana walang sakit.

Ganoon na ba ang friendship nowadays? Hindi na lang ba jowa ang magpapaasa sa'yo?

Tinawag ko muli ang isang waiter para bigyan ako ng maiinom.

"Kuya, pahingi," turan ko.

Aabutan niya sana ako muli ng isang wine glass nang tanggihan ko ito. Sa tingin niya ba malulunod ako sa isang baso?

"No, akin na lang iyang isang bote," asik ko at kinuha sa kaniya ito.

"Ah ok po," napakamot pa siya ng ulo. Napangisi na lamang ako habang naggagawad ng pasasalamat sa kaniya sa aking utak. Savior siya sa isang frustrating night na'to. Feeling ko kaya ako pinapunta rito dahil itinadhana akong umubos ng mga alak nila. Sayang naman ang binayad nila dito kung puro kaplastikan ng sikmura ang iiral sa mga taong ito. Natatawa na lamang ako sa sarili ko habang naaalala kung gaano kapanget ang gabi. Kung anong kinaganda ng disenyo ng paligid, ang siyang kabaliktaran ng budhi ng mga tao.

Ano pa nga bang aasahan ko sa katulad ni Baklitang artista? Siguro deserve niya ng best actor award this time! For several months na magkasama kami, napaniwala niya ako e. Manang-mana siya sa mga kaibigan niya na mapang-mata at maliit ang tingin sa iba.
Boobs lang naman ang maliit sa 'kin, pero bakit they were treating me as if napakawalang kwenta kong tao sa lipunan?

Ayaw akong kaibiganin? Bakit? Sino ba siya? Hindi kaya...

Napalunok pa ako ng laway nang makaramdam ako ng kaba sa iniisip ko. Imposible namang gusto niyang maging more than friends? From his tone, parang frustrated. May pandidiri. Saka duh? May jowa siya at grabe niya kung ipamukha kung gaano siya ka-inlove kay Andrei.

Mabilis kong tinungga ang bote na halos kumalahati na yata ang laman nito. Nag-faflashback lahat sa imagination ko ang mga sweet actions ni Super. Shuta naman! Ano ba itong imagination ko?
Nakakaloka!

Sa kabilang banda, pansin kong napapalingon ang mga tao sa'kin, ang iba pa nga'y nagbubulungan matapos makita kung gaano ako katinding lumalaklak ng alak. Wala naman akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Ano namang weird sa ginagawa ko? Kaya nga liquor drinks e, ginawa para inumin hindi para i-display sa kamay buong gabi sa loob ng mamahaling wine glass katulad nang kung paano silang makipag-susyalan.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon