Chapter 32

9.8K 494 26
                                    


A/N: Sinisipag. Nyi? HAHAHA. ENJOY! LOVELOTS and please don't forget to VOTE!


Chelsie Madrigal

"Hindi mo naman kailangang paulit-ulit na magpaliwanag. I have a trust on you, okay?" Usal nito at ibinagsak ang sarili sa kama nang padapa.

"Gan'to kasi iyan, Sis. Nagkataon nandoon din siya, saka mabait naman si Sam and I told him na may boyfriend na akong napakapogi," umupo ako sa gilid niya at pinalo ang pwet nito.

"Aray!" Singhal niya. Umayos na ito at umupo, tiningnan ako habang nakanguso pa. Akala mo pato sa lamukos ng peslak nito. Sige...shuta! Siya na talaga ang cute sa lagay na iyan.

"Sorry," parang batang bigkas pa niya. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang itsura ni Baklita. Kanina lang ay parang dragon siya, pero ngayon animo'y pusang tumatangging maging siopao.

"Sorry din, kasi minasama ko 'yong mga sinabi mo kanina, now, I already get your point. Tama ka naman e, I'm too careless. Pagpasensiyahan mo na ang ganda ko, Baklita ha?"

"Nope! Ako dapat ang magsorry," inihiga niya ang ulo niya sa lap ko. Payukod ko tuloy siyang tinitingnan.

"Heh! Basta ako ang mali," I insisted.

"Engk!" Paggaya niya sa error buzzer. "I am, alam ko na ngang hindi maganda ang nangyari sa'yo; probably, baka nga natrauma ka pa e, pero inuna ko 'yong galit ko. Pasensiya ka na, Babaita. Sana maintindihan at mapatawad mo pa ang pogi mong boyfriend," ngumisi pa siya.

"Paano kung hindi?"

"Anong hindi?" Bumangon siya't lumingon sa'kin.

"Hindi ka pogi," paglilinaw ko pagkatapos ay humalakhak.

"I'm trying to be serious here." Kumunot ang noo niya.

"Sorry akin," wika ko na lamang.

"By the way, kumusta ka na?" Napalitan ng pag-aalala ang tono nito.

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nagalaw nung mokong na Ryan na iyon! At higit sa lahat, too strong yata ako 'no? Hindi matitibag ng kahit ganern!" May kumpiyansang sambit ko. Sumilay ang kurba sa labi nito at napahinga nang malalim.

"I'm glad you're okay. I don't think I can forgive myself kung hindi. Sorry ulit! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kapatid na abogado nga, tarantado naman? "

"Ano na pala nangyari? Nakulong na ba ang manyak na iyon?"

Umiling siya. Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi sa iniisip kong dahil kapatid niya kaya hindi nakulong...its just that, the justice system is too complicated. Abogado ang kalaban namin dito. I know it's hard for Super to sue his own brother.

"Pero huwag kang mag-alala. I'll make sure that this time...he won't get away." Humiga siya nang maayos sa kama. Tumingala at pinikit ang mata.

"Sorry. Dahil sa'kin, kailangan mong gawin iyon sa kuya mo." Dumilat siyang muli at tumitig siya sa'kin at hinigit ako. Pinahiga niya ako sa gilid niya kung saan nakaunan ang aking ulo sa kaniya. This time, I felt his warmth. His comfort. Para bang safe ako.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon