Chapter 12

14K 698 89
                                    


C

helsie Madrigal


"What is essential is invisible to the eye." Isa na yata iyan sa pinakasikat na quotation, sumunod sa "Health is Wealth."

Ewan ko na lamang kung talagang applicable ito sa sitwasyong napasok ko pero, parang ganoon na nga. Nakita kami ni Andrei na nakapasan ako kay Super...iyon ang nakita niya pero hindi niya na tinanong kung bakit.

"Mukhang nakaistorbo yata ako sa lambingan niyo," sambit ni Andrei.

"Huy, mali yung iniisip mo, ano kasi-" pinutol niya agad ang paliwanag ko.

"Okay lang, pumunta lang naman ako para iabot ito," usal niya habang ipinakita sa'min ang flowers.

"Happy Anniversary," bati niya kay Super na hindi manlang nagsalita habang iniaabot niya pa rito ang bulaklak. Haler? Ito na iyon o? Hindi pa ba siya makikipagbati?

Siniko ko siya para naman maibalik siya sa wisyo't makipag-usap na kay Andrei. Tumingin siya sa'kin at tinabig ang siko ko.

"Pumasok ka na sa loob," utos niya.

"Goodluck!" Huling bigkas ko bago sila iniwan sa loob. Sumenyas pa ako ng babye kay Andrei kahit na hindi niya ako nginitian.

Sinubukan kong pakinggan sila mula sa pintuan pero, hindi ko na marinig ang pag-uusap nila. Hays. Mukhang wala na akong ganap. Makatulog na nga lang.


Third Person P.O.V.

Pinanood munang pumasok ni Super sa unit si Chelsea bago ito humugot ng lakas ng loob para kausapin si Andrei.
Sadyang miss na nito ang binata ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob para ibaba ang pride niya upang manghingi ng kapatawaran. Tanging pag-aaalala lamang ang naiusal niya.

"Bakit naman alanganing oras ka pumunta dito?" tanong ni Super pagkatapos kunin ang flowers.

Ikinasimangot naman ito ni Andrei-Iniisip na hindi gusto ni Super ang presensiya niya. Sa kabilang banda ay naghahanap pa ng mga tamang salita si Super sa kung papaano niya bubuksan ang usapan upang makipagbati sa nobyo.

"Mukhang hindi ka yata masayang nakita mo ko," malungkot na tugon pa ni Andrei. Tumalikod na siya't naglakad palayo. Naisip ni Super na baka nagkaroon na naman nang ibang paghihinala at kalituhan si Andrei sa iniakto niya. Alam nito sa sarili niyang dulot lang naman iyon ng kaba at pangangapa sa nangyayari.

Hinabol ni Super si Andrei, hinawakan ang kaliwang kamay nito gamit ang kaniyang kanang palad. Ngumiti siya nang mapalingon ang kaniyang nobyo sa kaniyang ginawa. Dahil nga hindi niya mapili ang tamang mga salita, umasa siyang maintindihan ni Andrei ang kahulugan ng ngiting iyon.

"Bakit ka sumunod? Baka hinihintay ka na ni Chelsea sa loob," seryosong tugon lamang ni Andrei. Sa loob-loob nito'y nakuha niya naman na nakikipagbati na si Super. Gusto niya lamang magmula sa mga bibig pa nito ang salitang sorry.

"Happy Anniversary," sambit naman ni Super. Huminto sila sa paglalakad at nagsimula nang buksan ni Andrei ang pakikipagbati. Lingid sa kaalaman ng binata na nawawala ang kadaldalan ng taong kaharap niya sa tuwing nag-aaway sila. Bigo man siyang marinig ang salitang gusto niyang magmula sa kaniyang nobyo ay agad naman siyang napangiti sa pagbati nito. Ngiting muntikan nang sumilip ngunit pilit niya munang itinago.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon