Chapter 24

10.8K 554 16
                                    


A/N: Please don't forget to vote!  ENJOY!

Chelsie Madrigal

We tend not to see changes in our personality. Madalas, hindi natin alam na nagbabago na pala tayong makitungo sa iba pero iniisip natin na hindi. Once na may nagsabi sa'yong; "Girl, nagbago ka na."
Pag-isipan mong mabuti.

Tama lang naman na magbago ka, sabi nga 'di ba, changes are the only constant in this life. Sabi nila. Wala namang masama sa pagbabago. Reaksyon mo iyon sa kung anong bagay na nangyari sa'yo na natrigger. Madalas ito ang ang way para maging better. Sana lang maganda ang mga pagbabagong makikita mo sa sarili mo. Yung hindi naaapektuhan yung mga bagay na dapat binibigyan mo ng halaga.

Those changes? Napapansin iyan ng iba. Siguro nga masyado akong nagbago ng pakikitungo kay Super para kausapin pa ako ni Manager Ronald.

"What happened? Mukhang hindi kayo komportable ni Super sa isa't isa, paano na lang sa ball? You need to be cautious with your acts. Well, after the ball...We already decided na tapusin na rin naman ang contract after a month. Kaunting tiis na lang, sana magawa mo pa, Ms. Madrigal," saad nito habang nilalaro pa ang walang sinding sigarilyo—ipinopokpok sa grills na humaharang sa floor na ito para hindi malaglag ang mga tao sa 2nd Floor.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Matatapos na rin pala ang work ko. Siguro tama na rin iyon? Lalo na't hindi na ako gaanong komportable kay Super. That way, baka kapag nagkahiwalay kami, makalimutan namin ang mga nangyari.

Sa kabilang banda, hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento kay Sir Ronald. Alam niya ang relasyon nila Andrei at Baklita, kung malalaman niya yung nangyari...wala akong ideya sa magiging aksyon niya.

"Ah, w-wala lang, it's just a simple misunderstanding," giit ko at tinanaw na lamang ang mga nagdadaan sa second floor.

"I don't think so..."

"Kumusta naman pala si Super after Andrei left him?"

Napabuntong hininga na lamang ako sa tanong niya. Para ako ngayong pinapipili sa pagiging honest at pagsisinungaling. Gusto ko sabihin na, okay naman siya, nakalandi na at mukhang lalandi pa. Hinalikan nga ako e, dahil lang sa gusto niya raw ako patigilin. Ang nonsense 'di ba? Nakakaloka.

"He's doing good. Minsan nakikita ko naman silang nag-uusap pa thru call," wika ko na lamang. Habang nilulunok na lang ang mga salitang nasa dulo ng dila ko.

"Mabuti naman. Alam mo si Super,  masayahin iyang tao. Palabiro...pero kay Andrei ko nakikita yung mga ngiti niyang alam kong punong-puno ng saya, kaya nung nalaman kong aalis si Andrei, hindi ko na muna rin sinabi sa kaniya. After all, I don't want him to feel sad."

Para akong binalot ng curiousity sa mga oras na iyon. Tungkol kay Super, sa mga tao sa paligid niya—Kay Andrei. Sinipat ko pa sandali si Sir Ronald. Hindi man siya naging hands-on kay Super nitong mga nakaraang araw, hindi maipagkakailang isa siya sa pinaka nakakakilala sa kaniya. Samantala, napaisip din ako sa mga sinabi niya.

"Yet, you're here. You eased the loss. I mean...para kang himala na naging dahilan din ng pag-ngiti ng alaga ko. Pangatlo ka na," lumingon pa siya sa'kin at ningitian ako. Tinapik nito ang balikat ko. Nakaramdam pa ako ng init sa mukha dahil sa sinabi niya. So...si Andrei, ako at sino namang isa ang big three ni Baklita?

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon