Chapter 29

10.1K 510 39
                                    

 Lovelots!  Enjoy and please don't forget to vote!

Chelsie Madrigal

"So... I recommend this one—Bagnet. Masarap iyan," turo ni Baklita sa pagkain sa menu. 

Photo not mine.

"Sure ka ha?  Madalas ka rin dito? Kalkulado na lahat ng gusto mong gawin pati ba naman sa pagkain," usal ko naman habang nakatuon ang atensiyon sa pagpili ng oorderin ko.

"Oo,  lagi ko kasama no'n si Shane, nagpupunta kami rito para mag-take ng photos,  dati kasi...first dream ko talaga no'n maging professional photographer."

"Sige ate Bagnet na lang po dalawa," turan ko muna sa waitress na naghihintay ng order namin.  Saka ko binalikan si Super nang makalayo na ito. 

"Halata nga. E ba't ka naman napadpad sa pag-acting?  Ah...oo kasi emotera ka?" Ipinatong ko ang mga siko ko sa mesa at sinalo gamit ang mga palad ang aking baba.  Nakatanghod sa napangising si Super. 

"Ah ganun?" may kapurit na banta sa boses niya.  Tono ng nagbabadyang pang-aalaska na sagot niya mula sa sinabi ko.  Kinurot nito ang aking ilong. Pakiramdam ko tuloy namula na ito. Mabilis pa naman akong tubuuan ng tigyawat lalo na't kapag nahahawakan ang mukha. 

"Ano ba iyan e!  Nakakaloka ka!  Yung peslak ko, ang dumi-dumi ng kamay mo!" Mahinang angal ko. Sinibangutan ko siya. 

"Tampuhin ka talaga 'no?"

"Heh!" singhal ko na lamang.  Pinanood kong sandali ang mga tao.  Mga masasayang magkakaibigan,  may mga magjowa na katulad namin.  Napangiti na lamang ako at dumating na itong araw kung saan, hindi ko kailangang maging bitter sa mga magjowa.  Sa isang magandang lugar na katulad nito...kasama ko ang taong nagpapasaya sa'kin.

"Sino pala yung Shane?" Automatic na bumuwelta ang bibig ko. Hindi sa nagseselos ako pero,  tama bang mag-isip siya ng ibang babae ngayong kasama niya na ako? 

"Yung kinukwento ko sa 'yong bestfriend ko," pagpapaliwanag niya.  Pilyo pa siyang ngumiti pagkatapos ay tumayo't lumipat ng upuan sa tabi ko.  "Bakit, ganiyan ang tono mo?"

"Bestfriend nga ba talaga?" paninigurado ko. 

"Opo,  saka matagal na iyon!  Ikaw na kasama ko o!" Itinaas niya ang kamay niya at sumenyas na nakataas ang tatlong daliri at bilog ang korte ng hinlalaki at hintuturo.  Money sign or ok sign ba ang tawag do'n? 

"O'siya!  Balik na do'n, " I directed him pero hindi siya sumunod. 

"Kiss muna!" Ngumuso siya.  Sinipat ko naman ang mga tao at mukhang wala naman silang pakialam sa'min.  Hindi ko ma-take ang pagiging sweet ni Super.  Oo gusto ko siya pero,  ganito pala magparamdam ang isang 'to! 

Inilapat ko ang palad ko sa nguso niya at itinulak ito palayo. 

"Kiss-kissin mo mukha mo,  ang PDA mo naman!  Hindi ka ba nandidiri?"

Bumalik na siya sa pwesto niya.  Dumating na rin ang order namin at nagpasalamat kami nang ilapag na ito sa harapan. Nagpapicture pa nga ang waitress sa'min. 

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon