Chapter 1

77.9K 1.5K 162
                                    


Chelsie Madrigal

Mula sa itim na T-shirt, sa mga pulang handkerchief na ibinuhol sa ulo, hanggang sa apron na nakasukbit sa beywang, aakalain mong isa akong waitress sa bar na ito. I admit. Ito na ang pinakabonggang disguise na naranasan ko. Ewan ko na lang kung hindi pa ako makakakuha ng matindihang chika ngayong gabi. Ang confidence level ko, lagpas lang naman siya sa height ng kisame ng lugar. Fight me.

Isinukbit ko na sa aking kanang dibdib ang nametag. Pagkatapos no'n ay tiningnan ko pang sandali ang aking sarili sa kaharap na salamin.

"Pak na pak, Chelsie! For sure, sisiw sa'yo 'to." Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang binuksan ang pintuan ng CR, paglabas kasi rito ay napakahalaga na ng dapat kong gawin, and I'm on.

Matagal na rin akong paparazzi. Secret assigned reporter na kumakalap ng mga big scoop patungkol sa mga nasa Showbiz industry. Itong trabahong ito—Bagay na bagay naman sa beauty ko. Ang kailangan mo lang naman dito ay lakas ng loob. Good thing, dahil nang magpaulan si Lord no'n, natagpuan lang naman akong naliligo sa alulod.

Dito kasi, marami kang desperate moves na dapat gawin para lang makakalap ng balita. Walang lugar ang shunga, tanga, engot, o kung ano pa mang tawag niyo sa kaliitan ng utak. It's a matter of, huhulihin mo si Artist sa mga explosive things na ginagawa niya, o ikaw ang mahuhuli?

Naranasan kong mag-stay sa bubong ng isang motel, mag-overnight sa ibabaw ng puno, makapanood ng live sex ng mga artista sa ilalim ng lamesa, at napakarami pang kabalbalan. Katulad nitong ginagawa ko ngayon, I'm disguising as a waitress.

Bagaman, aminado naman akong hindi maganda ang ginagawa namin. Hello? Ini-invade namin ang privacy ng iba. Wrong pa sa wrong. E kaso ano namang magagawa namin, 'di ba? Trabaho lang. Ang may latest at hottest na chismis kasi ang siyang magwawagi sa huli. I guess I'm not the only paparazzi here. Mayroon pang iba riyan sa gilid-gilid.

Nang tuluyan akong makalabas ng CR ay sumalubong sa 'kin ang napakaingay na crowd—Mga hayok na kabataang nagpa-party. Perfect place ito para sa amin. Paano ba nama't kahit saan ka lumingon ay may artistang pakalat-kalat. Yet, only few of them are big stars. Kadalasan kasing naglalagi ang mga iyon sa VIP areas.

At sa gabing ito, target ko Si Nikolai Bernabe. The Multimedia king of Philippine Showbiz. Big star, 'di ba? Kaya nga ako ang na-assign dito, because I'm one of the elites. Charot not charot, ako kasi 'yung malapit sa area na ito.

"Ikaw ba 'yong bago rito?" Nginitian ko ang waitress. Bitbit niya ang isang tray na mayroong dalawang cocktail drinks at Peanuts. Base sa nametag niya her name is Anne.

"Ah...opo," sagot ko, sinabayan ko iyon ng nahihiyang kilos.

"Naku po, 'wag kang pakalat-kalat lang dito, baka mahuli ka ni Boss."

"Pasensya na, nangangapa lang...kalalabas ko lang din ng CR dahil nagbihis ako."

"Sige okay lang 'yan, basta kumilos ka na," bilin niya pa. Akmang aalis na sana ito nang pigilan ko.

Tawag ko sa kaniya, "Anne!"

"Bakit? May kailangan ka ba?"

"May reserved room si Nikolai Bernabe ngayong gabi, 'di ba?" Nang madinig niya ang tanong ko ay nagbigay siya ng isang ngiting punong-puno ng nakatagong irita. Ano kayang problema niya sa 'kin?

"Oo. Regular customer natin iyon e...ikaw ha, kabago-bago mo artista agad ang hinahanap mo. Actually, ako ang waitress nila do'n ngayon..." Kita ko ang pagyayabang sa mukha niya. "...ang gwapo-gwapo no'n! Saka alam mo na ba ang chismis?!"

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon