Chapter 9

14.4K 682 75
                                    

Thank you for continuing! Please don't forget to vote or share your reactions if you want? 😊

Chelsie Madrigal

Sabi nila, hindi mo maiintindihan ang pinagdadaanan ng isang tao kung hindi mo pa ito nararanasan. Dati iniisip ko na maliit na bagay lang naman para sa isang artista ang mabigyan ng issue. Sabi ko pa nga na dapat masanay na sila dahil pinili nilang trabaho iyon, kung saan pag-uusapan at pag-uusapan sila ng ibang tao. Hindi ko nakita yung sarili ko sa posisyon nila. Binabalewala ko ang mararamdaman nila, magawa lang din ang trabaho ko.

Now, nandito ako ngayon; laman ng mga social media sites. Ilang beses na naming nireport ang mga nagpapakalat nung pictures pero maya't maya ay may lumalabas na naman na bago.

Binubully na rin ako sa cyberspace.
Like: malandi ako, pokpok, cheater at kung anu-ano pa. May ilan pang mga nagsasabi na sana raw ay mamatay na ako. Ma-gang rape sa kalandian or so whatever. Ganito pala feeling. Gusto kong umiyak sa mga salita nila. Hindi manlang nila ako binigyan ng pagkakataong sabihin na... Mga bobo, tatay ko kaya yang kasama ko. Shuta kayo!

"He's my father, hindi ko man siya gustong kilalaning ama pero para mas maintindihan mong hindi ko siya sugar daddy...again, sasabihin ko for this time, he's my dad," pagpapaliwanag ko kay Super na nakatayo ngayon sa harapan ko.

Napakamot siya ng ulo. Inilabas ang cellphone at lumabas sandali ng kwarto. Mukhang may kinontact na siya para mahingian ng tulong. Shuta naman! Bakit ba nangyari ito? Kasalanan ng matandang iyon e! Sandali lang ang dumaan at nakabalik na si Super.

"So...nakausap ko na si Ronald. Pinapapunta niya ako doon for meeting, I guess huwag ka na munang lumabas ng bahay dahil mahirap na at baka anong mangyari," bilin niya at tuluyang nilisan ang kwarto ko.

Nagpakawala na lamang ako nang mabigat na paghinga, ibinagsak ang aking sarili sa kama. Malulusutan ko ito! Kaya mo ito, Chels!

-

Nakaalis na nga si Super at sandali lamang ang lumipas ay dumating naman si Andrei. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa'yo," aniya. Walang ngiti-ngiting binanggit niya iyon. Katulad nang nakasanayan.

"Ah, hindi ko nga alam bakit binigyang issue ng mga tao yung picture. Kasama ko ang tatay ko. Take note ha: kasama ko ang tatay ko. Saka hindi ko alam anong trip nila sa'kin? Bakit ako kailangang pagdiskitahan ng ganito? Nakakaloka sila!" muling pagngingitngit ko sa gilid. Dumiretso ako sa salas at binuksan ang T.V. para manood ng balita.

"Wala pala si Super, halos kaaalis lang, baka maabutan mo pa," malakas na sambit ko. Sapat para madinig niya mula sa bandang pintuan papasok dito sa living area. Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa T.V.

Sa mga unang balita, hindi pa patungkol sa showbiz, pero lagi akong nasa headline bago mag-commercial. Shuta naman? Ganoon ba ako kaimportante? Nang ibabalita na ang patungkol sa akin, biglang namatay ang T.V.

"Ay potek? Bakit namatay? Nag-black-out ba?" pagtatakha ko. Napansin ko ang electricfan na nananatili namang gumagana. So hindi black-out. Hinanap ko pa ang remote at baka nadaganan ko pero wala sa upuan.

"Hindi mo na dapat pinapanood 'yan, maiistress ka lang."

Napalingon ako kay Andrei. Hindi pa pala siya umaalis. Nakasandal siya sa may pader habang ipinakita saking hawak niya ang remote sa kaliwa niyang kamay. Sa kanan naman ay lulan ang baso na may lamang wine.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon