Chapter 23

10.7K 540 25
                                    

Chelsie Madrigal

Lahat ng gagawin mong desisyon, asahan mong may kapalit iyan na makakaapekto sa'y, either makabuti o makasama. Minsan kahit nga yung pagpili sa dalawang bagay, gagawin mo o hindi mo gagawin at pinili mo na lang na huwag kang pumili, nagdesisyon ka pa rin.

Iniisip ko tuloy kung bakit ba ganoon ang tadhana? Ayaw magpadikta. Sabi nila ikaw daw ang gagawa ng tadhana mo, e ano ba itong itsura ng tadhana? Iba ba ito sa mga magiging desisyon mo?

Kung ito naman yung resulta ng desisyon mo, bakit minsan, when we rationalized the possible repercussions, it still turns out to some other way? Other way na talagang bibiglain ka. Other way na isasakto pa ng fate sa matindihang pagkakataon. Pero...wala kang magagawa. Ang kailangan mo lang ay sumabay sa desisyon ng tadhana. Seems like fate lets you decide on something that has already been decided.

I decided to be an aid sa pagpapanggap ni Super. Well, tinulungan din naman ako no'n. Pangalawa ay tulungan din si Andrei na bantayan ang jowa niya habang nagpapagamot siya sa ibang bansa...alam kong kung gagawin ko kasi iyon, I won't fail as their friend. Sukli na rin siguro iyon nung hindi nila ako iniwan no'ng panahong sobrang nangangailangan ako.

At ngayon, natatakot ako sa nangyayari, hindi ko alam kung nagagawa ko pa ba yung pangako ko kay Andrei. Hindi ko naman ginusto 'to! Kasalanan ito ni Baklita. Siya yung humalik sa'kin, para saan?

Itinulak ko siyang palayo at mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman ko sa mga oras na'to. Parang anytime ay babagsak na ang tuhod ko sa sobrang pagnginig nito. Iniisip ko nga kung nasa alignment pa ba 'tong puso ko. Shuta kasi, Super! Ano na namang kabalbalan ito?

"A-Ayaw mo kasing tumigil e," sambit niya nang magbitaw kami sa isa't isa.

"Nababaliw ka na ba? P-Pa'no kung malaman ni Andrei iyang ginawa mo?!"

Padabog kong nilisan ang kitchen at dumiretso ako sa kwarto. Napasandal pa ako sa pintuan matapos ko itong isara. "

"Kumalma ka, Chelsie!" Bulong ko pa sa sarili ko nang muling maalala ang pagdampi ng labi ni Super sa'kin.

Napahampas pa ako sa ulo dahil naisip ko ang katangahang ginawa ko.

I kissed him back. Shuta! Nawala kasi ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong dahilan. Saka, malandi man akong tao. First kiss ko iyon! I mean, probably second na kung saan galing din ang una kay Super. Shuta! Ewan. Feeling ko ang kati-kati ko kahit hindi ko naman kasalanan iyon.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makontrol ang emosyon ko. Nawala ako sa ulirat sa sobrang ekseherada ng mga pusa sa puso ko. Para tuloy akong natatae dahil sa paglalaro ng mga kuting sa aking tiyan.

"Hey, Babaita. Sorry, can we talk?" dinig ko pang usal ni Super mula sa labas. Sinundan niya pa ito ng mga katok.

Anong sorry-sorry? Huhu. Masyado siyang nag-take advantage. Sa totoo lang, lumabag pa siya sa kontrata!

"Heh! Lubayan mo muna ko!" bulyaw ko. Tumakbo na ako sa C.R at paulit-ulit na nag-toothbrush.

-

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Tanghali na pero yung mata ko, parang nagpupuyat pa rin. Wala akong ideya kung paano ko haharapin si Andrei sa oras na makausap ko siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na...hoy 'yong jowa mo hinalikan ako. Pero sa kasalukuyan, mas lalong ilang ako kay Baklita. Dapat ba mag-act normal ako at isiping, it's just a kiss...nothing more, nothing less? Ang plastik ko naman no'n? Saka hindi naman ako iyon! Mas madali siguro kung papasapi ako sa hindi pa-feel virgin na multo.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon