Prologue

109K 2K 219
                                    

For past years, I chase for stars. Iba't ibang anyo ng mga bituing nagpapaligsahan sa kinang na mayroon sila.Mga pataasan ng ihi, kumbaga.

They're too beautiful, na parang nang magpaulan ang maykapal ng pagiging perfect, pumapangalawa sila sa 'kin sa pila. Nandito yata sila para pagpalain ng kagandahang imahe ang mga mata natin.

We see them from afar. Hinahangaan natin sila. We even rely our living through stars, tipong lahat na ng bagay ay nakasalalay sa mangyayari sa kanila. Mas mabigat pa yata ang tungkol dito kaysa sa politika?

At kung ihahalintulad sa normal na bituin, some do believe that there are stars who signifies our existence above, kaya ganoon na lang natin silang tingalain.

May ilang nandiyan para maging representative ng mga matatanda, mga bata, mga malilibog, o  toot toot-rated SPG, at marami pang iba.

The light from them reflects through us, they inspire us to become one someday. Ginagaya natin sila, at naghahangad tayo na isang araw ay tayo naman ang makagawa no'n sa iba.

Yet, its different, lalo pa't pagdating sa 'kin. God gave them for me to live my life; running around them. Para akong high-breed na asong nakabuntot sa kanila. It's as if I am also a star but not included in any list of celestial bodies.

I see through them. Their struggles in maintaining their heat, na hindi kayang makita ng iba. Walang may alam sa kung gaano kalamig ang ganti ni Universe sa mga beauty nila. The space is too dark—far from other people's light.

I'm just a not-so-bright but pretty little star who stand close to the black hole.

I am behind those outstanding celestial bodies, waiting to lose their shine—their spotlight. Kumbaga sa single na nagka-crush sa taong may jowa—Abangers.

Their explosion is my savior, its impact will throw me out from nowhere.

Kailangan ko ng pera para hindi ako pulutin sa kangkungan. I need to be the best in this field of work.

Sabi ko nga, ""Walang personalan. Trabaho lang."

Kaya hindi ko alam na darating ang araw na ito kung saan kasama ko ang isa sa mga artistang minsan ko nang hinatak pababa.

"I love you," bigkas ko pa sa kaniya.

-Chelsie Madrigal

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon