Chapter 6

17.6K 727 30
                                    

Author's short note: Sorry for late update! May mga school works lang na inuna. Hope you enjoy! Please don't forget to vote!

Chelsie Madrigal

Dahan-dahan kong iminulat ang mha mata ko. I know I am at a hospital room dahil sa pale ambiance ng paligid. Puti ang karaniwang kulay ng mga pader at sadyang may kakaibang amoy na indikasyon na nasa Ospital ka nga.

Sinubukan kong umupo nang mapansin kong natutulog si Mitu sa gilid ko. Nakasubsob ang mga mukha sa kaniyang mga braso. May kaunting kirot pa sa ulo ko nang gumalaw ako pero tolerable naman dahil sa ganda ko.

Pinagmamasdan ko si Mitu, siguro at buong gabi niya akong binantayan.
Ilang saglit pa nang tuluyan siyang magising nang dahil sa paggalaw ko. Gusto ko kasi umihi kaya kailangan kong tumayo.

"Hala, nak. Huwag ka munang magtatatayo, baka mapano ka," pag-aalala niya habang mukhang hindi pa gaanong bumabalik sa ulirat.

"Naku, Mitu. Kering-keri ko ito," masayang tugon ko. Ayoko ng nag-aalala sila sa'kin.

"Sandali't aalalayan kita," aniya.

Matapos akong mag-C.R ay nagbungad na ng mga tanong si Mitu sa akin.

"Ano ba nangyari sa'yo? Mabuti't minor injuries lang daw ang nakuha mo..."

Humiga na ulit ako habang bumalik sa pwesto niya si Mitu.

"Hindi ko rin alam pero may nagtext at tumawag kasi sa'king lalaki. Gusto niya ako kitain sa Rooftop ng office, hindi ko dapat sisiputin kaya nagtago ako, para kung sakaling dumating siya, makikilala ko muna kung sino pero walang dumating. Uuwi na sana ako kaso nung palabas na ay nakalock yung pinto, tapos ayun, may dumating na nagbukas, nakamaskara pa nga e'. Inalis ko yung suot niya pero nakaramdam na ako ng hampas sa ulo ko at nawalan ako ng malay," kwento ko pa.

"Kasi naman, anak, bakit hindi ka nag-iingat? Hindi mo nga kilala pinuntahan mo pa rin? Maswerte ka at natulungan ka nung lalaking nagbitbit sa'yo dito."

"Sino po?"

"Hindi ko na natanong yung pangalan, kasi nung dumating kami, agad na umalis e."

I wonder kung sino siya? Gusto ko sana magpasalamat. Para naman sa gumawa nito sa'kin, hindi ko alam kung anong trip niya. Wala naman akong kaaway or what dahil mabait akong nilalang.

"Nga pala, iniimbestigahan na 'yung nangyari sa'yo, ang update sa'min, baka raw kagagawan ng mga die- hard  fans ng boyfriend mo iyon, kakausapin ko iyang si Super ha. Dapat protektahan ka niya at nalalagay ka sa alanganin," sambit pa ni Mitu.

Ilang oras ang lumipas at dumating na nga si Miwan para sunduin kami. Pinayagan na akong i-discharge dahil nga minor injuries lang naman daw. Kasama niya si Super at si Andrei.

"Nak, may bisita ka," sigaw ni miwan mula sa pintuan.

Agad namang nagpakita sila si Super at Andrei. May dala silang mga prutas. Himala at concern pala sa'kin ang pamintang ito?

"Kumusta?" Awkward na tanong niya.

"Okay pa naman, buhay pa, muntikan lang makita si Lord," pagbibiro ko pagkatapos ay nilingon sila at ningitian.

Sumukli naman ng ngiti sa'kin si Andrei na mukhang wala ng galit sa'kin ngayon. Siguro kung talagang jowa siya ni Super, baka naisip niya na hindi namin type yung isa't isa kaya hindi na siya masungit katulad ng jowa niya?

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon