Chapter 20

11.8K 676 21
                                    

Chelsie Madrigal

Kapag may takot ka raw sa isang bagay. Kailangan mo lang harapin yung takot na iyon para maover-come mo ito. Minsan kasi, may mga bagay na nakikita mo pa lang, inaayawan mo na. Sometimes being afraid to try, limits your experience and brings you bound of undiscovered jaunt.

Kung akala mo nakakatakot umakyat sa bundok, hindi mo malalaman kung hindi ka aakyat. Kung akala mong nakakatakot magmahal, hindi mo malalaman kung hindi mo bubuksan ang puso mo.

Parang ako kay Andrei, 'kala ko nakakatakot magkacrush sa kaniya. Tapos ngayon, kada bubuksan ko ang phone ko nalaman ko kung gaano kasaya. Charot!

"Oh, sabi ko sa'yo nakarerelax at ang sarap sa pakiramdam nung tubig at buhangin," usal ko habang tinitingnan ang paa ni Super at kung gaano na siya kakomportable ngayon na maglakad-lakad sa ganito na may humahampas na alon sa mga binti niya.

"Tara, lakarin natin hanggang dulo, bago tayo magpahinga," yaya niya naman sa'kin.

Nagsimula siyang maglakad at sinundan ko naman ito. Dahan-dahan naming tinahak ang kabuuang baybayin habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"You know what? You really did a great job kanina."

Para tuloy akong namula sa sinabi niya. Binobola niya yata ako e!

"Sabi mo mukha akong trying hard, tapos sasabihin mo I did my best? Alam mo para talagang may ansiya ka," natatawa ko pang binagsakan ng mahinang pagtulak ang braso niya.

"Ansiya? Ano iyon?" Nagtataka naman siyang huminto.

"Baliw," tugon ko. Inilipat nito sa isang kamay niya ang parehas na sapatos na kanina'y bitbit niya sa magkabila. Ganoon din ako sa gladiator ko.

"Sinisimulan mo yata ang pang-aasar e?" Inirapan niya ako.

"Pero walang biro ha, you really did your best...okay para sa beginner," may confident na dugtong niya. Animo'y may pagyayabang ang tono. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakiki-sway ang mga kamay namin sa hangin.

"Nasigawan nga ako e, kahit na I did my best. Hahaha, sabi nga, I did my best, but I guess my best wasn't good enough. "

"I think it's not enough. Cause it's too much. "

"So...ano sinasabi mo? Na na-overpower ko yung acting ko?"

"Hindi, masiyado ka lang magaling sa standard ni Direk."

Sabay kaming tumawang dalawa. Para bang naging solo namin ang lugar na ito. Ang peaceful ng ambiance na tila hinahayaan kaming makapag-isip-isip muna. Sandaling napinta ang katahimikan kung saan tanging himig lamang ng hangin ang madidinig at malalakas na hampas ng alon. Ano pa nga bang aasahan ko? Nasa Surfing Capital nga pala ako.

"Gusto kong ginagawa ang best ko sa lahat nang papasukin ko. Sa pakikipagkaibigan, sa pamilya, sa trabaho," muling pagbubukas ko ng usapan.

"We? Kung ganoon, may nakaligtaan ka yata."

Tumaas naman ang isang kilay ko, habang hinihintay ang kasunod ng may pagkukuwestiyon niyang salita.

"Yung desisyon mo nga kanina, you didn't do your best as my acting girlfriend, Babaita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba okay na kami? Ano namang i-open up ng isang 'to?

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon