Chapter 13

13.4K 715 47
                                    

Please don't forget to vote! 😁

Chelsie Madrigal

Gusto kong nagugustuhan ako ng tao. I hate being alone, siguro it explains why I am like this. Bakit ako super jolly sa harap ng marami, bakit ako grabe magtiwala sa mga ituturing kong kaibigan. Ayoko na maiwan. Nakakatakot. Katulad nang ginawa sa'min ng tatay ko. Para kang ikinulong sa isang masikip na kwarto na walang kahit anong liwanag. Ganoon ang pakiramdam.

Kinakabahan kong hinakbang ang aking mga paa papasok sa studio. Nandito ko ngayon sa isang afternoon show kung saan may exclusive interview ako. It's time para linisin ang pangalan ko. Ayoko na sa eksenang lalabas ako habang nangangambang galit ang mga tao sa'kin. I hate it. Para na rin akong iniiwan sa kawalan dahil sa pangambang iyon. At ngayon...ito na, tatapusin ko na ang delubyong dumaan sa'kin. Shuta! Here's Chelsie Madrigal for you! 

Mag-isa akong humarap sa mga tao, nag-request kasi yung show na magkasunod kaming interviewhin ni Super at hindi muna magkasama. Para raw manatiling tutok ang mga tao at para sa ratings din nila. Kinakabahan ako pero tumatak sa'kin ang mga payo ni Andrei. Dinig ko pang bumulong siya bago ako tuluyang makalayo mula sa backstage.

"Kaya mo'yan," iniusal niya.

Parang energizer na tinungga ko ang salita niya. Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa pagtatalo ng kaba at lakas ng loob na sumisilip mula sa kung saan. Baliw na ba 'ko?

Naupo na ako sa pwesto ng guest.

"Napakaganda naman pala ni Chelsie sa personal," turan nung isang babae sa co-host niya.

"Tumpak ka diyan, bet ko yung outfitan niya," sagot naman nung isa.

"Ms.Chelsie, pwede bang anyayahan ka naming tumayo saglit tapos ay umikot ka para makita nila ang outfit mo?" Saad nung naunang host kanina.

"Hindi pwede," sagot ko. 

Sandaling tumahimik. 

"Charot!" At nagtawanan nga sila. 

Sinunod ko naman siya. Enebe, bakit niyo ba ko pinupuri? Akala niyo ba madadala ko sa ganiyan? Alam ko na iyan, sige pa nga!

"Thank you," pabebeng sagot ko. Finesse lang dapat, kasi iyon ang turo sa'kin sa ilang workshops. Ewan ko ha, pero medyo nahihirapan ako maging perfect girl na gusto nila.

Nagsimula na muna sa light questions ang interview. Kumustahan; mga tanong patungkol sa relasyon namin ni Super na hindi nila alam, imbento lang naman! Hindi pa ba tayo magmove-on sa main agenda?

"So, ayan nga at nakikilala na po natin ang mystery girl na kalauna'y girlfriend ni Super Enriquez," pagbabasa ng pangalawang host sa spill.

"Ngayon dumako na tayo sa ating next segment," dagdag pa ng isa.

"Ito ang..."

"Itama mo mamsh!" sabay nilang sigaw at nagbago na ang lighting sa studio. Dumilim na at nagkaroon ng spotlight sa akin.

"So Chelsie, ganito lang naman, simple lang ang mechanics, ibabato namin sa'yo ang issue and we will give you time to say something patungkol do'n," sambit muli nung unang host.

"Ready?" tanong niya.

"Yes!" masiglang sagot ko. This is it. Ang hinihintay ko. Nakakaloka! Ang haba pa ng ibang segment, ngayon lang ito dumating. Bumalik ang kaba ko. Natatakot na naman ako na baka may sabihin akong mali.

"There's nothing wrong with the truth," naaalala kong banggit ni Andrei.

Napakalaking tulong talaga ng mga sinabi niya sa'kin. Kaya siguro siya agad ang naisip ko habang nakikipaghabulan ang mga pusa sa puso ko? Sinipat ko ang Audience at nakita ko siya. Sumenyas pa siya ng thumbs up, habang nananatili sa kaniya ang itsura nang pagiging kalmado at tahimik. Hindi ko maintindihan pero gumaan ang pakiramdam ko. It's not the right time to think about it, pero I can feel it. Parang all of a sudden, I trusted his words.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon