Chapter 40

10.7K 467 17
                                    

A/n: Mamimiss kong magsulat ng chap nito, pero isang last chap at epilogue na lang talaga, sa totoo lang medyo busy din ako dahil sa bagong business namin, kaya bear with me kung na-delay sa update!  Anyway, please don't forget to VOTE!  and Thank you for continuing! Lovelots! Enjoy! 😍

Chapter 40

Chelsie Madrigal

Nandito naman ako, pero bakit ganito? It seems like, I'm still somewhere. Hindi ako makaalis, hindi ako makabitaw.  Nasaktan na ako, nasaktan ko na siya pero gusto ko siyang makita. Gusto ko siya masulyapan man lang, kasi ilang araw palang ang nagdaan. Miss na miss ko na siya. I don't know if this is called as the separation anxiety. Yung tipong, hindi maalis sa isip mo na wala na siya at hiwalay na kayo. 

Nandito ako ngayon, sa kwarto ko, pero I'm still with him. Mukhang naiwan nga ang puso ko. 

Kung bumalik kaya ako doon? Kukunin ko lang? Ops. Huwag kang marupok, Chelsie!

Nagpa-ikot-ikot ako sa aking kama.  Tanghali na pero wala parin akong balak na tumayo. Sa katunayan, nagkukulong lang ako sa kwarto ko, ilang beses akong sinubukang kausapin nina Mitu sa nangyari, pero sinabi kong hindi pa ako handang magkuwento. 

"Nasaan ka na, 'te Iska?!" inis na ani ko. 

Ilang saglit nang makadinig ako nang sigawan mula sa baba. Dali-dali akong tumakbo upang tingnan kung anong nangyayari. Nang makababa ako ay unang tumambad sa'kin ang basag na flower vase sa sahig.  Iniangat ko ang tingin ko't nasa pintuan siya. 

Si Super. Galit na galit naman sila Mitu na mukhang ibinato ang piguring iyon sa binata. 

"Ang kapal ng mukha mo para lokohin ang anak namin?" bulyaw pa ni Mitu, pinipigilan siya ni Miwan na lumapit kay Super.

Nagkatinginan kaming dalawa.
I can tell na pagod at wala siyang tulog.  His eyes are full of sincerity, parang hinahatak ako palapit sa kaniya.

"Shuta," singhal ko sa hangin. Kanina lang gusto ko siyang makita, pero ngayong nasa harapan ko na siya, naalala ko ang dapat na galit ko. 

"Can we talk?" Bigkas niya pa. 

Kagat-kagat ko ang aking labi, sa inis sa nangyayari, sa lungkot,  sa pangungulila sa yakap niya. Lahat kasi iyon kailangan ko na namang iwasiwas. Kailangan ko siyang pilitin na namang lumayo sa'kin. 

Maingat akong humakbang upang malagpasan ang mga bubog. Dumiretso ako sa gawi niya nang hindi siya pinapansin palabas ng pintuan. 

"Mauna na po ako," dinig kong paalam niya.

Nakatayo lang ako sa kalsada, hindi kalayuan sa aming bahay. Naramdaman ko na ang mga yapak niya kaya umupo ako sa isang tabi—sa humps.  Tahimik ngayon dahil nga tanghali at mukhang nagsisiyesta ang mga tao. 

Tanging ang huni ng mga ibon ang sandaling namagitan nang umupo siya sa tabi ko. 

"Chelsie, thank you at papakinggan mo na—"

"No," putol ko sa kaniya. Ang blangko ng tingin ko sa kung saan. Pinag-iisipang mabuti ang bawat salitang bibitiwan ko. 

Gusto ko madinig niya mula sa'kin ang bagay na ikasasakit ng puso niya.  Para layuan niya na ako, para hindi na ako mahirapan, para kalimutan niya na ako.  Kasi sa oras na makita ko siyang muli,  baka hindi na ako makatakas pa. 

"Alam mo ba kung bakit kita iniwan, Reynal?"

"H-Hindi. Hindi ko alam kung ano mga sinabi mo about kay Shane because I—" hindi ko muli siya pinatapos. 

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon