Chapter 36

9.3K 453 37
                                    

A/n:  Enjoy! Lovelots. Please don't forget to VOTE! 

CHAPTER 36

Chelsie Madrigal

Ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami makarating sa ipinagmamalaking rest house ni Baklita dito sa Baguio. Nasa may dulo ito malapit sa Teachers Camp at masasabi kong isa sa pinakamagandang bahay dito.

Hindi rin ito ang pinakamaganda,  pero sumasabay naman sa mga high-end. Sadyang hindi lang bilyonaryo si Baklita. 

Ang ganda sana ng tanawin sa labas kung maliwanag pa pero bigo kami't nakarating ng bandang alas-sais ng gabi.

Ang rest house na'to ay 4 story. Kung saan sa pinakaitaas na palapag ay malawak na rooftop na siyang nagsilbing venue ng inihanda naming party sa kaniya.

Modernized ang style nitong bahay kung saan may ilang bahaging transparent walls.

"Magandang gabi po, sir Super," bati kay Super ng isang mistisang dalaga na labas gilagid kung ngumiti dulot ng braces niya. Magandang bata ang isang 'to.  Pinagbuksan niya kami ng gate at sandaling nahinto sa tapat niya ang bintana ng sasakyang nakabukas ngayon upang batiin siya. 

Nginitian ko na lamang ito, hindi naman iyon ang unang beses naming pagkikita. 

"Salamat, Maggie," bigkas pa ng bakla sa gilid ko.

Tuluyan nang naigarahe ang sasakyan. Nakatutuwa na ang gagaling magtago ng mga tropa-tropahan ni Super ng mga sasakyan nila. Saan naman sila nag-park? 

"Goodevening, hija," muling bati naman samin ni Aling Dolores. Ang nanay ni Maggie. Isang buong pamilya kasi silang pinatira dito ni Super para alagaan ang rest house. Malaki naman ang bahay na ito at sapat ang mga kwarto na tantsiya ko'y nasa apat. Ang master's bedroom doon ang pinahiram sa'kanila ni Super.

Una akong bumaba sa sasakyan at sumenyas kay Aling Dolores ng ok sign na sinuotan ko ng kaunting pagtatanong na reaksyon. 

Tumango naman ito. Nagsibabaan na rin sila. Hindi ko mapigilan tuloy na hindi ngumiti. Pansin kong mukhang nahahalata na ako ni Baklita kaya't nakakunot ang mga noo niya kapag tinitingnan ako. O kaya naman...I wish na iniisip niyang nababaliw lang ako. 

Nilapitan ni Baklita si Aling Dolores para kumustahin. Nagbigay na ako ng go signal mula sa likod ni Baklita at nagsimula na naming i-execute ang plano. Mabilis siyang piniringan ni Kuya Berns na di hamak na mas matangkad sa kaniya. 

"Hey! Ano ito? What's happening?" Hahatakin niya sana paalis nang pigilan ko siya. 

"Sumunod ka na lang, huwag na choosy, ok?"

Na-satisfied na yata ang puso ko noong nakita ko pa lamang na napangiti siya. Wala pa ang surprise pero ngumingiti na siya na parang pusang nakatakas maging siopao. Ang cute. 

Inakyat namin siya sa venue at masasabi kong mukhang pinaglihi sa kipay ng manok ang bibig ngayon ni Baklita. He has so many side comments habang naglalakad. Nagbabanta pa siya na dapat ay magustuhan niya ang makita niya.

Kung i-surprise ko kaya siyang walang kahit ano? Surprise it's a prank. Ano kayang reaksyon niya? 
Natatawa ako habang naiimagine kung paano niya akong susyal na mumurahin pagkatapos no'n with matching walk-out effect. 

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon