Chapter 19

11.1K 694 11
                                    

Chelsie Madrigal

Hinatak ako ni Super palabas upang kausapin ako. Ang higpit ng kapit niya na parang may balak yatang putulin ang  aking braso. Bakit ba nakasimangot siya? Inaano ko ba siya?

"Are you out of your mind, Chelsie? Ano ba iyang pagdedesiyon mo ha? May alam ka ba sa stunt nung double?" Ramdam ko ang inis sa bigkas niya. Brinush pa nito ng kaniyang mga daliri ang kaniyang mga buhok kasabay nang pagbuntong-hininga, senyales ng init ng ulo.

"Alam mo, kanina ka pa! Ang init-init ng ulo mo sa'kin. Baklang to, ano ba nangyayari sa'yo?" Saad ko.

"Look, hindi mainit ang ulo ko sa'yo okay? Kung saan-saan ka lang kasi nagpupupunta. Siyempre sino ba nagdala sa'yo dito? E kung may mangyari sa'yo, sino masisisi?"

"Haler? Sino po bang isinama mo, Baklita? Eight years old po ba ako? 24 na po ako for pete's sake. Nakakaloka!"

Iiwan ko sana siya doon nang hatakin niyang muli ang braso ko. Agad naman akong napalingon. Seryoso na ang mukha niya. Mas mukha nga lang kalmado kumpara kanina.

"O'sige, I'll forget about that, pero hindi ako papayag diyan sa plano mo na maging double," ikinataas ito ng aking kilay. Sino naman siya para pakialaman ang desisyon ko?

"Aba, hindi ko naman hinihingi permiso mo, Gorl. Okay? Keri na ba ha?"

"Hindi ka ba nag-iisip? Nawawala ka sa focus. For your information, Babaita...your job is to act as my girlfriend, not anything else," may awtoridad pa ang tono niya. Pero hindi pa rin nagbabago isip ko. My friend is in need.

"Sige, gusto mo bang isipin nila na parang wala akong pakialam na yung girlfriend ko ay pinayagan kong maging double or morelikely stunt woman?"

Para akong natauhan sa sinabi niya...shuta naman! Hindi ko na alam ngayon kung anong dapat kong gawin. Desidido akong tulungan si Kuya Alex pero nakakadalawang isip yung sinasabi ni Baklita. Tama siya e. Sino nga namang Superstar ang papayagan na ang girlfriend niya na wala naman experience sa pagiging double ay magpapaka-stunt woman?

"Hindi ba pwedeng gawan ng paraan, baklita? Need ko talaga matulungan si Kuya Alex e," nawawalang pag-asang banggit ko.

"S-Sige. Bahala ka na kung gagawin mo iyan," sambit niya na lamang.

"Sir Super, Ms.Chelsie, tawag na raw po kayo sa loob," sulpot naman ng isang staff.

Iniwan ako ni Super at nauna siyang pumasok. Agad naman akong sumunod sa kaniya; bitbit ang desisyon ko. Kinakabahan ako sa iisipin nila. Parang nagtatalunan ang mga pusa sa bubong dahil sa kaba ko sa dalawang bagay: Sa kapalit nang pagpayag ko at sa kung anong eksena naman ang ipagagawa sa'kin. Nakakaloka.

----

"Cut!" Ang lakas ng sigaw niya. Parang lalamunin yata ako nang buo sa sobrang galit nito. Siya kaya ang pagulong-gulungin ko sa hagdan? May perfect bang pagkakahulog? Hindi ko alam kung bakit hindi siya ma-satisfied sa pinagagawa niya sa'kin. Paano kaya iyon? Gusto kong murahin na lang siya sa inis pero alam kong hindi pwede. Pasalamat siya at ginagawa ko ito para kay Kuya Alex. Pero kung para lang sa TF, isaksak niya sa baga niya.

Halos tatlong beses niya nang pinaulit sa'kin ang pagbagsak ko sa hagdan. Although i-shinoshoot naman siya na ako ang magpapagulong sa sarili ko at medyo mababa lang ang hagdan, pero nakakapagod kaya! Nagkapasa na nga ako sa pagtama ng tuhod ko e! Nakakaloka! Meron pa naman ako ngayon.

"Tatanga-tanga ka ba? Hindi mo ba naiintindihan? Kailangan babagsak ka nang nakatagilid," lumapit pa ang direktor sa sobrang inis sa'kin. Parang bumigat yung nararamdaman ko dahil pakiramdam ko lahat sila ay nakatingin sa'kin na parang ang bobo ko. Bakit ba kasi hindi ko mapick-up? Tumulo na pala ang luha ko, hindi dahil sa mga pisikal na nakasakit sa'kin. Ewan. Ang bigat lang ng pakiramdam na parang pinagkakakalmot ng pusa ang dibdib ko. Anytime sasabog na ako pero pinipigilan ko. Naggawad na lamang ako ng mapait na ngiti pagkatapos kong patagong pinunasan ang tumulong luha.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon