Chapter 14

13.7K 615 82
                                    

Chelsie Madrigal

Sabi nila mas masakit daw ang mawalan ng kaibigan kaysa ng jowa. Hindi pa naman ako nakakaexperience mawalan ng jowa, pero ang tanging bagay na may assurance sa sabi-sabi na iyan ay ang pagkawala ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung paanong ibuibuild-up ang sistema ko. Natataranta, nanlalamig. Paulit-ulit na nag-eecho ang boses ni Julie sa aking tainga habang tumatakbo na kami ni Andrei papunta sa hagdanan upang puntahan ang katawan ni Julie. Nakasalubong namin si Super na parang walang alam sa nangyayari. Nagsasalita siya pero wala ako sa ulirat para intindihin iyon. Nakisabay na lamang siya sa'min pababa. Bigo kaming makasakay kanina ng elevator dahil sa tagal nito.

Napakadaming naglalaro sa isip ko, yung tipong hindi pa ako tapos masaktan sa pagtaboy niya sa akin at sa mga betrayal na ginawa niya-nadagdagan na naman ng panibago.

Nang makarating kami sa ground floor ay natanaw ko roon ang komosyon. Halos lahat ng tao ay nakikiusyoso sa nangyayari. Naglabasan ang mga miyembro ng security habang nagmamadali namang nagseset-up ang mga member ng media. Ano pa nga bang aasahan ko? Nasa building lang naman kami ng T.V. Station.

Hinawi ni Super na nauna sa'kin ang mga taong nagkukumpulan malapit sa highway. Nang makarating kami sa gitna ay mabilis na hinatak ako nito at isinubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Nagpumilit akong kumawala pero ang higpit ng yakap niya.

"Hayaan mo lang akong pigilan ka, please..." malumanay na boses niya. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko na kanina pa patuloy sa pagdaloy. Humagulgol na ako dahil alam ko na ang tinutukoy ni Super.

---

Pinaupo ako sa couch ng lobby ng station. Nagsidatingan na ang mga police at ambulansiya. Sa katunayan, nakaalis na nga ito. Tanging ilang mga imbestigador na lang ang naiwan dito.

Natanaw kong iwinawagayway ni Andrei sa harap ng mukha ko ang isang bote ng tubig. Agad ko itong kinuha.

"Salamat," walang ganang usal ko. Naikalma ko na ang sarili ko mula sa lahat ng nangyari. Unti-unti ay prinoproseso na ng sistema ko ang insidente...pero hindi maalis no'n ang sakit. Nakatulala ako sa kawalan. Hinigit ni Super ang hawak kong bottled water, sinulyapan ko siya kung paano niya ito buksan at iabot muli sa'kin.

"Ang tubig, iniinom iyan hindi tinititigan," bigkas niya.

Napangiti na lamang ako. Isang mapait na ngiti na kumawala sa isang bultong kalungkutan. Gusto ko man na magpasalamat sa dalawa dahil sa pagdamay sa'kin, ngunit masyado pang okupado ang utak ko.

"Ang hirap mawalan. Alam niyo ba? Mukhang tama kayo. Mali ako."

Tahimik lamang ang dalawang nakikinig sa'kin.

"Mali ako kasi hindi ko makitang naloloko na ako ng sarili kong paniniwala..." dagdag ko pa.

"Pero alam niyo, hindi ko pinagsisihan kasi alam kong atleast, hanggang sa huli, naging kaibigan ako sa kaniya."

Muli na namang pumatak ang luha ko. Ang drama. Ang bigat. Nakakaloka! Pwede bang time-out muna? Sana pwedeng mautusan ang damdamin na 'wait lang oi, baka madehydrate ako sa kakaiyak.'

"Babaita," biglang tawag sa'kin ni Super.

"Ano?"

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon