Chapter 15

13.7K 676 87
                                    

A/N: Please don't forget to click the star below! Enjoy!

Chelsie Madrigal

Napalingon ako nang madinig ang boses ni Andrei. Nahiya pa ako't baka mapansin niyang nag-iinit ang mga pisngi ko habang pinipilit kong hindi mapangiti sa papuri niya. Nakakaloka!

Confirm! Mukhang crush ko nga talaga si Andrei. Lahat naman tayo 'di ba ay nagkaka-crush? Hindi ko alam kung paano ito nagsimula pero sa tuwing malapit kasi siya sa'kin, hindi ko mapigilang kiligin nang patago. Ang korni man pakinggan pero nakaka-fall kasi yung malumanay niyang boses at kalmadong personalidad. Kahit dati, noong mga panahong nagseselos siya, hindi siya si Bulyaw. Ang cute lang na makikita mo iyon sa reaksyon ng mga mukha niya.

Wala naman akong balak agawin siya kay baklang paminta. Paghanga lang!
Tamang kilig lamang sa gilid. No hard feelings.


"Andrei," usal ko sa pangalan niya.
Ngumiti siya sa'kin at nagwave ng kamay.

"Ingat sa pag-alis ha," bilin ko pa.

"Thank you, tandaan mo yung sinabi ko sa'yo about sa singkit na ito ah?"
Sambit niya na sa tingin ko ay yung favor na: huwag kong hayaang may umaligid sa jowa niya. Lumapit pa siya kay Super at inakbayan ito, hinubad niya ang cap ni baklita at ginulo ang buhok. Mabilis naman na napapitlag ang paminta at ibinalik agad ito.

"Labs, baka may makakita sa'kin," angal naman ni Super. Lah? Maldita talaga ang baklitang ito kahit kailan. Ba't ba sa harap ko sila maglalandian? Kakainis ha.

"Aalis na ko, lagi mo akong i-update ha," turan pa ni Andrei kay Super.

"Opo, ikaw din. Don't you forget to call me time to time ha?" sagot naman ni Super. Tumango lamang si Andrei na labas pa ang ngiping nakangiti.
Nagpatuloy silang nagbubulungan sa harap ko. Parang hindi nga nila alam na may kasama sila. Nakakaloka.

"Hello, may kasama po kayo," singit ko pa sa paalaman nilang dalawa.

"You really know how to ruin the moment 'no?" turan naman sa'kin ni Super. Tiningnan niya pa ako, nanlilisik ang mata niya. Pero wala na akong pakialam, nasanay na ako at alam kong hindi siya galit sa ganiyang reaksyon. Kasi kapag galit siya, mas kilala ko iyon, mas maldita na parang bumubuga ng apoy.

"Update ko rin ba ikaw, Andrei? Kaya kitang i-update. Even about small things like pagpunta sa C.R. sasabihin ko...baka gusto mo lang naman," biro ko pa.

Nagtawanan naman kamng lahat pero as usual, humirit na naman si Super ng side comment niya.

"Huwag na, baka ma-virusan pa phone namin sa chats mo," pang-aasar pa nito.

Panira talaga ng trip ang pamintang iyan! Kahit kailan talaga, Super! Napabusangot tuloy ang mukha ko sa sinabi niya.

"Hindi ko naman sinabing kasama ka sa iuupdate ko!"

"Shut up, quiet ka diyan," tanging sagot niya.

"Ah, ganoon?" Hinampas ko ang braso niya.

Nasundan pa ang mga asaran naming tatlo. Sa lumipas na mga araw, talagang naging close ko silang dalawa. After the incident kung saan hindi nila ako hinayaang malunod sa lungkot, mukhang natutuhan kong ibigay sa kanila ang whole chance of friendship.

"So...paano na? Kailangan ko na umalis, mahaba-habang checking pa ang mangyayari," usal naman ni Andrei. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hala, girl. Bawal umiyak! Huwag ekseherada!

"Bye! Ingat, Andrei!" saad ko na lamang at nag-wave na ako sa kaniya.

"Mamimiss kita, Labs," sweet na bulong naman ni Super sa binata.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon