Chapter 34

9.1K 458 42
                                    

A/n: Please don't forget to click the star below!  Lovelots and Enjoy! 

CHAPTER 34

Chelsie Madrigal

"Wala baga dine, pero iyon nga ang sa palagay ko kay Miss Che," Hindi ko sinasadyang makinig sa pakikipag-usap ni Ate Eds sa telepono, pero saktong uupo ako sa sala para manood ng TV nang madinig ko ito.  Mukhang nakikipagkwentuhan siya sa pamilya niya tungkol sa lagay niya sa trabaho niya ngayon. 

"Ay, sige't mamaya na kitang i-kwan.  Nandito na ang amo ko," parang nataranta siya nang magtama ang tingin namin. Ibinaba niya na ang tawag. 

"Nandiyan ka pala, Che, kanina ka pa?"

Umiling naman ako at sumubo ng chips mula sa mangkok na bitbit ko rin. 

"H-hindi naman, bakit? May problema ba? Sinetch naman iyon? Fam mo?" Pag-uusisa ko. 

"Ay, opo," sumimangot ako sa sagot niya.

"Mas matanda ka sa'kin ng isang taon, 'te Eds. Huwag ka na mag-po. Saka, bakit mo naman ibinaba? Okay lang naman sa'kin 'no! Hindi naman kita papagalitang chumika-chika at linggo naman ngayon. Again, hindi ako amo mo, nandoon, naghihilik," ngumisi ako pagkatapos ay inaya ko siya na samahan akong manood ng movie.

Sumunod naman siya sa'kin at prente kaming tumutok sa Pich perfect marathon naming dalawa. 

--

Nakadalawang movie na kami pero tulog na tulog pa rin si Super sa kwarto. 

"Sandali lang, 'te Eds huwag mo munang I-play, na-jijingle lang ang bahay bata— este pantog ko."

Dumako ako sa CR. Kasabay nang pagtakbo ko ay pagtunog din ng doorbell, sumigaw na lang ako sa 'di kalayuan para ibilin sa kaniya ang pag-check sa kung sinong tao sa labas. 

Nang makabalik ako ay naabutan kong wala pang tao sa salas kung kaya't sinadya ko nang tumungo para tingnan kung sino ang unexpected visitor. 

"Oh, Sam? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakhang bungad ko.

"Ayan pala, sakto't nandito na si Che, maiwan ko muna kayo," ani ni Ate Eds. 

"Huwag mo muna i-play, 'te Eds ah..." muling paalala ko at tuluyan na siyang bumalik sa loob. 


Ginawi ko na muli ang atensyon ko kay Sam. 

"So...back to you,  bakit ka naman napadpad sa tirahan ng napakagandang nilalang na tulad ko?" Pumameywang pa ako, hinihintay ang isasagot niya. 

"I just happen to ask the guards about your unit," saad niya, suot ang pag-aalangan.

"Then?" Singit ko naman. 

"I mean, I'm here to ask if I can use your bathroom? Or might as well stay here for few hours, if it's okay?"

"Ow...'yon lang pala e!  No problemos, Amigo!" Masiglang usal ko at hinatak ang kamay niya papasok. 

"You want to jingle? Go to left, makikita mo ang aming mahiwagang kitchen and may bathroom do'n," turo ko sa direksyon gamit ang kunwaring barok na tono. Nagpasalamat naman siya at ginawa ang sinabi ko. 

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon