Chapter 21

12.1K 548 33
                                    

Chelsie Madrigal

Fame. Isa na yata iyan sa pinakamakapangyarihang bagay na pwede mo makuha sa mundo. Kapag sikat ka, maraming opportunities na ibabalandra sa harapan mo. Opportunity para magkatrabaho, magdulot ng saya sa ibang tao at kadalasan ay impluwensiyahan sila sa iba't ibang paraan. Minsan nga nakabubulag ang kasikatan.

Kapag sikat, kahit wala ng talento at basura na ang ipinapakita...iniidolo pa rin. Kapag sikat, parang minsan kayang baliktarin ang kamalian sa ilang salita lang dahil sa dami ng sumuporta.

Alam naman natin ang tao, nagpapadala sa kung saan ang marami, para hindi mapag-iwanan ng alon sa napakalawak na dagat na mayroon. Pero may ilan pa namang, tamang langoy lamang sa tamang direksiyon. Pakialam naman nila sa alon?  Ingay lang iyan sa kanila. Hindi ko na alam kung saan patungo ang pag-iisip ko habang mag-isang pinanonood ang dagat.

Busy kasi ngayon si Super sa shooting. Sa sobrang kasikatan niya kasi, kahit pa nag-quit na siya at naging kagalit ang direktor, para niyang asong napaamo ito sa isang himas lang. Pero hindi niya naman hinimas si Direk. Metaphorically speaking lang! Nakakaloka. Nagalit kasi ang agency ni Super sa ginawa niya. Ang bilis nga magreport nung matanda at sumakto pang dumating na rin nung kinabukasan noon ang manager ni Super. Sabagay, kung sakali mang hindi maagapan iyon. Sigurado akong malaking balita iyon para sa iniingatang karera ni Baklita.

Tatlong araw na simula nung gabing may nangyaring hindi pagkaganda-ganda. Ngayon daw ang last day namin dito sa Aurora at mamayang gabi na ang pagluwas namin. Nilinga ko pa ang paligid. May mga masasayang ibinabaon ang sarili sa buhangin, mga naglalaro ng Volleyball, mga tamang surfing sa 'di kalayuan, mga nag-susun bathing at katulad ko, na nagrerelax lang sa gilid—silong-silong ng mga puno. Malay ko kung matatawag niyo bang pagrerelax ito pero nagpapaaHenna rin kasi ako.

"Ma'am, magalaw ang kamay niyo po," sambit sa'kin ni ate na busy sa braso ko. Pansin sa tono niyang hirap siya magtagalog. Majority naman ng mga nandito sa Aurora at mga workers ay Filipino ang ginagamit, may ilan namang Ilokano. Pero siyempre, hindi maalis na mapansin kong iba ang tono niya sa pananalita.

Nagpalagay ako ng disenyo na katulad ng kay Nami ng One Piece. Wala lang...fan kasi ako nung anime and sakto namang tumatanggap sila ng kahit ano, basta't may paggagayahan.

"Ay, sorry po," asik ko naman.

Marami nang naganap sa'kin nitong mga nagdaang araw. Kahit paano'y na-enjoy ko naman ang naging "Alone Vacation" ko dahil sa mga schedule ni Super. Minsan naman ay sinasamahan ako ni Kuya Bernard, pero madalas talagang mag-isa ako.

Paminsan-minsan ay pinupuntahan at tumatambay ako sa set for front act purposes. Para naman magmukha talaga akong girlfriend ng baklang timang na iyon at eeksena kaming kunwari ay gusto ni Super na enjoyin ko lang ito at iwan na siya doon. Basta't ang dami naming pakuno para lang magawa ko ang trabaho ko, at the same time ay hindi siya limliman na lang doon for the whole time. Nagsasawa ako sa mukha niya at alam kong ganoon din siya sa'kin, dahil lagi niya akong pinapaalis.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon