Chapter 8

16.2K 678 79
                                    

Short note: Dahil every other day ang update ko hinahabaan ko na lagi para hindi bitin. Enjoy! Please don't forget to vote!

Chelsie Madrigal

Nakahiga si Andrei sa lamesa samantalang si Super; may hawak na syringe habang pisil-pisil ang braso ni Andrei. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga kung ano na. Hindi naman siguro sila ganoong ka-exhibitionist para gawin 'yon? Knowing na may ibang tao dito. Ganoon na ba ako kalaswa mag-isip? Kahit naman kasi siguro iba ganoon ang maiisip kapag nakarinig ng mga ungol. Nakakaloka!

"K-kayo p-pala yan," bungad ko habang ibinabalik ang aking sarili sa sistema ng katinuan. T.H. ka girl. Tamang hinala.

Lumingon lamang sila sa'kin, pagkatapos ay inalalalayan na ni Super si Andrei papunta sa kwarto niya. Hindi nila ko pinansin. Hangin ba ako? Kala ko ba okay na kami ni Super? Hindi ko na maintindihan ang mood swings niya ha? Okay! Edi bahala siya!

Bumuntong hininga pa ako. Mabuti't nailabas ko na ang kaba na kanina pa nasa dibdib ko. Kahit wala akong dibdib. I mean, meron pero hindi kalakihan! Basta.
Nahihirapan na naman ako mag-explain.

Nagtimpla na lamang ako ng gatas at dumiretso na sa kwarto. Ilang minuto pang pag-tulala ang aking ginawa bago ako tuluyang bumagsak sa mahimbing na pagtulog.

-

Nagising ako at agad na inayos ang aking sarili. Dumiretso na ako sa kusina para sana mag-handa ng agahan pero saktong nandoon na si Super. Nagluluto, suot-suot ang apron na siyang takip lamang mula sa kawalan niya ng pang-itaas na damit.

Sarap ng almusal...charot! Kung titingnan talaga siya, napakaperpektong lalaki: toned na toned ang mga braso nito, maugat ang mga kamay, maganda ang hugis ng mukha kung saan sakto ang mga hugis ng panga niya. Ang tangos ng ilong, may kasingkitan ang mata at kissable na mga labi. Kung hindi lang bakla at may kasamaan ng ugali? Naku...shuta! Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko para pagnasaan si Super.

Pinaramdam ko na sa kaniya ang aking presensya. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti.

Ang weird.

Kagabi lang hindi niya ako pinansin, 'di ba? Tapos ngayon, ngingitian niya ako?

"Gising ka na pala, pasensya na kagabi at kahapon," bungad niya habang isinasalin ang mga niluto niyang hotdogs.

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ako sanay na ganiyan siya? Bipolar ba ang baklang ito?

"O? Grabe naman reaksyon mo? Ayaw mo bang kinakausap kita?"

"Hindi naman, hindi lang ako sanay para kang may sapi alam mo iyon? Hindi ko na maintindihan yung character development mo," may pagbibirong tonong banggit ko. Napakamot pa ako sa aking ulo sa sobrang pagtataka.

"Nye? Gutom lang iyan, maupo ka nagluto na ako almusal," aya niya pa at pagkatapos ay dinala niya sa lamesa ang mga naluto ng pagkain.
Sumunod naman ako sa kaniya.

"Kumain ka na," sambit niya at nagsimula na siyang kumain.

Ilang segundo ko pang tinitigan ang pagkain.

"Walang lason iyan, kala mo naman lalasunin kita? Wala na akong galit sa iyo no!" may inis na bigkas niya. Hindi ko rin naman inisip na lalasunin niya ako! Siguro ganoon ang perception niya? Pwede siyang lasunin ng kaaway niya. E? Hindi naman ako ganoong kasama!

Kumain na lamang ako para matapos na.

"May sakit ka ba?" biglang sulpot ng tanong ko habang busy kami parehas sa pag lantak. Hindi ko alam saan nagmula yung confidence ko para lumabas iyon sa bibig ko.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon