Chapter 37

9.8K 469 17
                                    

A/n: Hi! Napansin kong may ilang mga nagdagdag nitong story sa reading lists nila, kaya kung isa ka do'n, isang malaking salamat sa suporta. Anyway, mayroon po talagang Spinach Allergy, sinearch ko po iyon kaya baka nagtaka kayo kung mayroon, dahil sa last-last update iyon yung sakit ni Super. Don't worry hindi ako mag-iimbento lang ng kung-ano-ano.
You can also search it.

Hehe. Again, thanks for continuing! Please don't forget to VOTE and ENJOY!

CHAPTER 37

Chelsie Madrigal

Punong-puno pa rin ng pag-iisip ang utak ko. Hindi ko alam kung tama ba na paghinalaan ko si Kuya Berns pero ang sidhi ng nararamdaman ko ngayon na para bang may bumubulong sa'king demonyo na nagsasabing, kilatisin kong mabuti ang kilos niya.

Natapos ko na ang niluluto ko. Nung dumating kami kanina ay gising na halos ang mag-anak ni Aling Dolores.
Tinulungan niya ako at ni Maggie na maghanda ng mga almusal para sa mga antokers na artista sa mga kwarto. Si Kuya Bernard naman ay kasama si Mang Larry; asawa ni Aling Dolores, nagpunta sila sa labas para pagsaluhan muli ang kape at yosi. Malay ko sa mga trip nila, sinabihan ko nga si Kuya na baka dahil sa yosi kaya siya nagkakaganoon kanina. Sinabi niya namang huwag ko na lang siyang intindihin at maayos na ang lagay niya.

"Ano pong lasa?" Tanong ko sa matanda matapos kong pahigupin ng kaunting sabaw mula sa kutsara.

Kinakabahan akong naghintay sa sagot niya.

"Naku, saktong-sakto lang! Sino naman nagturo sa'yo niyan at pagkasarap-sarap?" Puri niya pa. Pakiramdam ko tuloy ay namula ko do'n! Enebe.

"Ang mama ko po ang nagturo sa'kin," saad ko. Highschool ako nang sabay kami ni ate Iska na tinuturuan ni Mitu na magluto. Gusto kasi ni Mitu at Miwan na maging strong-independent-woman ang awrahan namin ni ate. Tagumpay naman sila do'n. Chelsie Madrigal yata ito?

Nagsalin na ako sa isang malaking mangkok upang dalhin sa lamesa.

"Alam mo, hija...katulad na katulad mo rin si Shane," napatigil ako sa ginagawa ko nang madinig na naman ang pangalan na iyon. Simula kanina pa ito ha? Hindi niya na ba ako tatantanan?

Muling nilaro ng utak ko ang mga pangyayari kanina. Si Shane, ang kung anong kinalaman ni Kuya Berns sa kaniya.

Napatingin ako kay Aling Dolores. Naupo siya sa dulong upuan ng mahabang dining table. Nangalumbaba't tinitigan ako. Si Maggie naman ay nanatili sa kusina na ipinagpapatuloy ang ibang pagpiprito.

Kung kilala ni Aling Dolores si Shane, malamang ay makakuha ako ng impormasyon mula sa kaniya. Tama!
Napangiti ako, sa kabila no'n ay hindi ko maipagkakailang ang creepy ng tingin niya sa'kin.

"A-Ah...may dumi ho ba ang feslak ko?" Tanong ko rito habang kinakapa ang aking mukha.

"Ay wala naman, hija. Natutuwa lang ako at hindi pa rin nagbabago ang tipo ng inaanak ko."

Tumango naman ako bago nagsalita.

"Si Shane po, madalas po ba siya dito noon?" Pagbubukas ko ng usapan. Umupo na ako sa gilid niya, umaasa akong marami-rami akong malalaman mula sa matanda. Nagkamot pa muna siya ng buhok niyang nilamon ng uban.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon