Chapter 1

168 5 1
                                    

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.

I'm now wearing a deep red bodycon dress that is perfectly hugging my curves. I pair it with a white stilleto heels and my red Chanel caviar flap bag.

Nangiti pa 'ko habang pinagmamasdan ang itsura ko.

Saktong sakto pala ang pagpapakulot at pagpapahighlight ko last week.

Nagre-apply ako ng red lipstick ko bago tuluyang lumabas sa opisina ko.

"Good morning, Ms. Wainwright!" bati sa akin ng mga iilang staff na nakakasulubong ko.

Tamang desisyon talaga na dumito muna ako sa hotel branch dito sa Manila.

Imagine? Dito lang pala kami ulit magtatagpo ni Keener, nagsayang pa 'ko ng ilang taon.

Halata namang nagulat ang mga staff dito sa hotel restaurant nang pumasok ako.

"Good morning, Ms. Wainwright!"

Bati nila.

Nagdere-derecho ako hanggang makapasok sa kitchen.

Inilibot ko pa ang mga mata ko hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Keener.

Bingo!

Kasalukuyan niyang kausap ang Head Chef.

Lumapit naman ako sa kanila.

"Ms. Wainwright."

Halatang nagulat si Denver, the Head Chef.

"Hi, Mr.Tolentino!"

He smiled at me. "It's nice to see you, Ms. Wainwright. It's been so long since the last time you visited here."

Hindi naman kasi talaga ako nagpupunta rito kung hindi ako inuutusan ni Kuya, pero ngayon ay mukhang mapapadalas ang pagbisita ko.

"How's the new Souf Chef?"

Ngumisi ako ako kay Keener.

Ngumisi rin si Keener sa akin.

"Well, mukhang magaling siya Ms. Wainwright."

Lalo namang lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni Denver. "Really?"

Tumango naman ito habang si Keener ay nakatingin pa rin sa akin.

Tama 'yan, Keener. Wag mong iaalis ang mga mata mo sa akin.

"Great! Mukhang tama na pinili kita."

"You won't regret it, Ms. Wainwright." He smirked.

Hay, Keener! Stop smirking! You turning me on. Damn it!

Nagpaalam saglit si Denver kaya naiwan kami ni Keener. Magkatitigan lang kami at parehong nakangiti sa isa't-isa.

He chuckled.

"Let's go on a dinner later. What do you think?"

Agad naman siyang tumango.

"I guess you still can't get over me," he said playfully.

I chuckled. "You think so?"

He nodded.

Umiling-iling na lang ako tsaka umalis na.

Keener Lewis Zamonte, my first love.

Nakasandal ako sa swivel chair ko. Hinihintay ko lang na matapos ang shift ni Keener. I'm so freaking excited at ngayon ay hindi na mawala wala ang ngiti sa labi ko.

This time, I won't let you slip away.

3 years ago.

Sobrang nastress ako sa mga nangyayari kay Daddy at Kay Kuya Sage. Halos saluhin ko na ang mga trabaho sa kumpanya dahil sa pagkakasakit ni Daddy habang si Kuya naman ay broken hearted. At ngayon ay deserve na deserve ko ang bakasayon na 'to. I'm currently here in Madrid to find some peace.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now