Chapter 4

59 3 1
                                    

"Let me explain, Keener."

Ramdam ko ang panlalamig ko.

"I'm going home."

"Keener!"

Napasigaw ako nang biglang tumalon si Keener mula sa balcony.

"Are you crazy?"

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad palabas ng gate.

Nang tuluyang makaalis si Keener ay agad akong bumaba at galit na galit na sinugod si Gideon.

"Sino ka ba sa inaakala mo, ah?" I shouted at him.

"He needs to go home."

Lalong nagngitngit ang kalooban ko. "E, sino ka ba nga kasi sa inaakala mo?"

"Your protector."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

"E, sino bang nakikipagbiruan?"

Malapit na 'kong mabaliw dahil sa lalaking 'to.

"Magkano ba ang binabayad ni Kuya sa'yo? I can double it or name your price!"

Ngumisi siya.

Gotcha! I knew it! Ito lang naman talaga ang hinihintay niya, e.

"Wag ka na mahiya. Name your price!"

"Ah!" he paused. "What about a million per day?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Are you fucking serious?"

"Deal or no deal?"

"Oportunista!"

Padabog akong umalis habang siya ay hindi na magkamayaw sa pagtawa.

Halos umaga na nang dalawin ako ng antok at habang gising ay walang ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi si Keener. Gusto kong matuwa kahit papano sa isipin na hindi man verbally sinasabi ni Keener ang feelings niya para sa akin ay nakikita naman sa mga actions niya, kaya lang ay nag-aalala ako na baka paniwalaan niya talaga ang kalokohan ni Gideon at lumayo siya sa akin.

Papatayin talaga kita, Gideon, kung sakaling hindi kami bumalik sa ayos ni Keener. Leche ka!

Kahit puyat ay maaga pa rin akong nag-asikaso para sa pagpunta sa hotel, wala naman akong pasok ngayon at pupunta lang ako sa hotel para kausapin si Keener. Ni hindi man lang kasi siya nagrereply sa mga text ko. Ilang beses din akong tumawag pero deadma lang talaga.

Ayokong makita ang pagmumukha ni Gideon pero ayoko na rin makipagtalo sa kanya kaya. Hinayaan ko na lang siya magdrive.

"Wala kang pasok ngayon, 'di ba?"

Imbis na sagutin ang tanong ni Gideon ay ipinalsak ko ang airpods sa magkabilang tenga ko.

Talk to yourself, asshole!

I immediately get out of the car the moment Gideon stopped the car in front of the hotel.

Nagmadali akong naglakad papasok sa hotel at siyempre agad 'kong tinungo ang hotel restaurant at pagpasok ko palang ng restaurant ay natanaw ko na si Keener. He's laughing with some other girl. Natigil ako sa paglalakad at natulala lang ako sa kanila. Then I realized who the girl is.

It's the famous Elle Villamonte, she's an actress here in the country.

Keener seems very happy. He is smiling now from ear to ear.

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kinaroroonan nina Keener at Elle.

"Good Morning, Ms. Wainwright!"

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon