Chapter 37

42 3 0
                                    

"Sandali lang! Ano ba!" sigaw ko.

Alas sais pa lang nang umaga pero may nambubulabog na sa'kin. Kanina pa doorbell nang doorbell. Puyat pa man din ako dahil hindi ako pinatulog sa pag-iisip kay Keener. Kahapon nang makauwi ako ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay umiyak. Para ikalma ang sarili ay inisip ko na lang na makakasama ang pag-iyak ko sa baby ko.

"Keener?" Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa harap ko si Keener.

"For you." Inilahad niya ang hawak na bouquet ng roses.

"What are you doing here?" tanong ko.

"I brought you flowers and breakfast."

I rolled my eyes. "I don't need that. Umalis ka na."

Isasara ko na dapat ang pinto kaya lang ay naiharang niya ang kamay ko.

"Aray!" daing niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Nataranta ako nang makita ko siyang mamilipit sa sakit.

"I'm fine," aniya pero ngiwi na ngiwi ang mukha niya.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi na iharang mo ang kamay mo?"

Ngumuso siya. "Sungit naman."

I rolled my eyes.

"Jade."

"Ano?" masungit na tanong ko.

"Breakfast tayo?"

"Ayoko nga!" singhal ko. "Umalis ka na!"

"Last na 'to, after this ay hindi mo na ako makikita."

"Siguraduhin mo lang, ah?" Binuksan ko nang malaki ang pinto.

Ngumiti si Keener.

At ang traydor kong puso ay nagtatatalon sa tuwa.

Agad kong inayos ang mga pagkain na dala ni Keener para makakain na kami at makaalis na siya.

"Your place is too small," komento niya.

I raised my eyebrow. "I don't need a big one, I'm all alone."

"Oh! I thought you're living with Wardell."

"Ano bang pakialam mo?"

Umiling si Keener. Halatang nagpipigil ng ngisi. Pasimple ko naman kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti.

Gosh! Hanggang ngayon ay ang rupok ko pa rin pagdating sa kanya.

"I miss you..."

"Keener!" sigaw ko nang bumulong siya sa'kin.

He chuckled. "Let's eat."

Inirapan ko siya.

"Bakit ka ba nandito? Bored ka? Nasaan Ang girlfriend mo?"

Nakaramdam naman ako ng pait huling tanong ko.

"Girlfriend? I don't have one."

Umangat ang sulok ng labi ko. "Neknek mo!"

"Wala nga! Sinusuyo ko pa 'yong magiging asawa ko ulit." He smirked.

Parang may nagtambol naman sa dibdib ko. Walanghiyang lalaki 'to!

"How 'bout, Triana? Break na kayo?"

Ngumisi si Keener. Nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa, Keener Lewis?"

"God! I missed how you calling me with my second name."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Damn it! Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto ni Keener sa'kin.

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon