Chapter 20

45 3 1
                                    

Nabunutan ako ng tinik nang pumasok na si Keener at wala siyang bangas.

"I'm worried!"

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Kinausap ko lang si Gideon."

"Na?"

"To leave you alone, leave us alone. And he promised me."

"It's a relief, Keener. Ayoko nang magkasakitan nanaman kayo ni Gideon."

Lumapit sa akin si Keener at niyakap ako sa bewang.

"Sorry kung naiipit ka sa gulo naming magpinsan."

Napanguso ako. "Kailan ba kasi kayo magkakasundo?"

Hindi na nagsalita si Keener.

Nakatulog ulit si Keener habang ako ay hindi na makabalik sa pagtulog at naisipan ko na magluto na lang ng breakfast namin kaya lang ay wala nga pa lang stocks ngayon dito sa condo niya. Wala akong choice kung hindi maghanap ng grocery na maagang nagbubukas at buti naman ay nakahanap ako hindi kalayuan sa condo ni Keener.

"Oh, My God! You scared the hell out of me!" bulalas ko kay Gideon nang hilahin niya ang braso ko. Kabababa ko lang sa sinakyan na taxi.

"Ano nanaman ba, Gideon? Akala ko ba lulubayan mo na kami!"

He clenched his jaw. "We're friends, right? Bakit parang gusto mo na lang na burahin na ako nang tuluyan sa buhay mo?"

"Because it's for the best, Gideon. Mas makakabuti kung puputulin na lang natin ang anumang koneksyon natin sa isa't-isa. I just wanna be happy with Keener."

Lumungkot ang mga mata ni Gideon. "Fine. Huli na 'to. But promise me that you will just believe to Keener, sa kanya lang, sa mga sasabihin niya lang."

Hindi ko na sinagot si Gideon at naglakad na ako papasok sa building.

Kahit hindi niya ipapangako ay talagang kay Keener lang ako maniniwala.

"Triana?"

Kasalukuyang nakatayo si Triana sa harap ng unit ni Keener.

"Are you okay? Nanggaling daw dito si Gideon? I'm worried, nagkagulo daw?"

Sunod sunod na tanong ni Triana.

Bago pa ako makasagot ay bumukas na ang pinto ng unit ni Keener.

"Jesus! Where have you been?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Itinaas ko ang pinamili ko. "Sa grocery. I want to cook for our breakfast."

"You should have told me!"

Nangiti naman ako nang ngumuso siya.

Tumikhim si Triana. "I'm leaving. Chineck ko lang kung okay ba ang sitwasyon dito."

Tumango lang si Keener kay Triana tapos ay hinila na ako papasok.

"Let's bond soon, Tri," sabi ko bago tuluyang sumara ang pinto.

"Keener! You should invite her to come in," reklamo ko kay Keener.

"Siya naman ang nagsabi na uuwi na siya," plain na sagot ni Keener.

"Kahit na! You should have asked her to come in."

Ngumuso si Keener. "I'm hungry. I thought you will cook for breakfast?"

"Ito na!"

Nagmadali akong magtungo sa kusina. Sumunod naman sa akin si Keener, naroon siya sa may countertop at nakapanghalumbaba.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now