Chapter 8

39 2 0
                                    

Tahimik lang kami pareho ni Gideon habang nasa byahe. At katulad ng lagi ay dito ako nakaupo sa backseat. Hindi ako mapakali dahil nakakaramdam ako ng guilt sa pagsigaw ko sa kanya kanina.

Am I too rude? This man is just doing his job 'cause if he don't, for sure he will lost his job.

Pero naman kasi! Si Keener lang naman ang kasama ko, his cousin and for sure naman ay kilala naman niya si Keener at alam niyang walang mangyayaring masama sa akin.

Nang makarating sa bahay ay pinagbuksan lang ako ni Gideon ng pinto. Wala pa rin siyang kibo at hindi rin siya tumitingin sa akin.

Nang makababa ako ay umalis na agad sa harapan ko si Gideon habang ako ay pumasok na rin sa loob pero nasa unang baitang palang ako ng hagdan ay muli akong lumabas dahil hindi ko kinakaya ang guilt na nararamdaman ko.

Wow! Is that really you, Jadiana Syra Wainwright?

Nasa labas si Gideon and he's smoking.

I cleared my throat to get his attention.

Nilingon niya ako. Wala siyang sinasabing kahit ano at tumitig lang sakin.

"Gideon, about earlier-"

He cuts me off. "You don't have to feel guilty, Jade."

"I'm sorry."

Umiling-iling siya. "I don't need your apology either."

"Gideon, naman! I'm just trying to be nice with you."

Muli niya akong nilingon. Halos kilabutan naman ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya.

He chuckled.

"Apology accepted. Pumasok ka na, mahamog na."

"Anong akala mo sa akin sanggol na bawal mahamugan?"

Tumawa naman siya.

"I don't know why I like you better that way, Jade."

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"The mataray version of you." He smiled.

Napalunok naman ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. Gusto ko mang magsalita ay walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko at tila tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"Pumasok ka na."

Agad naman akong tumayo at nagmadaling pumasok sa loob.

The hell! What's wrong with me?

Nang magising ako kinabukasan ay tadtad ng messages mula kay Keener ang phone ko. Namura ko naman ang sarili nang maalala na hindi ko na nagawang kumustahin kagabi si Keener.

You're so bad, Jade!

Agad akong tumawag sa kanya pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya naisipan ko na magtake out ng breakfast at magdrive papunta sa condo niya. Masyado pang maaga kaya for sure ay maaabutan ko pa siya, alas otso pa naman ang shift niya sa hotel.

Nakailang doorbell na ako ay hindi pa lumalabas si Keener kaya kinabahan ako na baka maaga siyang pumasok. I decided to click the doorbell one last time at kapag wala pa ring nagbukas ay aalis na ako.

Bumukas ang pinto ni Keener at si Tria ang bumungad sa akin.

She slept here?

"Dito ka pala natulog."

Rinig ko ang pait sa boses ko.

My God! I'm so jealous!

"Yeah. But I slept in the couch." Ngumuso si Tria sa may couch kung saan ay may unan at comforter. Para naman akong nabunutan ng tinik.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now