Chapter 13

47 3 1
                                    

Nangiti pa ako nang makita si Lost sa loob ng sasakyan ni Gideon.

"Wala pa ring nagkeclaim kay Lost?" I asked.

Umiling si Gideon. "Unfortunately."

"Lost, saan ka ba nanggaling?"

Pagkausap ko pa sa aso.

Naagaw ni Gideon ang atensyon ko mula kay Lost nang tumikhim siya.

"About what happened-"

Pinutol ko ang sinasabi niya. "So you have feelings for me, huh."

"Feel na feel mo naman."

Natawa naman ako sa sinabi ni Gideon.

"Ikaw ang feelingero jan!"

Siya naman ang natawa.

Ibinalik ko kay Lost ang tingin ko.

"I guess, he really doesn't care about me."

My voice is slowly fading.

I heard him sigh.

"Asshole," he murmured.

"It's my fault din naman."

Tila nakuryente pa 'ko nang biglang hawakan ni Gideon ang kamay ko habang ang isang kamay niya lang ang nasa steering wheel.

"Don't blame yourself. Nagmahal ka lang naman at wala namang taong gustong magmahal ng taong hindi sila mahal."

Parang paulit-ulit na sinasaksak ng punyal ang puso ko sa sinabi ni Gideon.

Hindi ako mahal ni Keener.

Iyon na ang huling usapan namin ni Gideon dahil habang nasa byahe pabalik sa Manila ay nakatulog ako dahil sa wala pa talaga 'kong tulog. At nang magising ako ay papasok na kami sa may subdivision namin.

"Thank you for driving me home, Gideon."

Pagpapasalamat ko nang nasa harap na kami ng bahay ko.

He shook his head. "I'm sorry, Jade."

I can see how sadness reflects in his eyes.

"You don't have to. I'm fine!" I assured him. But I'm not fine at all. "And, Gideon..." I paused. "You're such a great guy."

Malungkot na ngumiti si Gideon. "Thank you."

Kumaway lang ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Where's Kuya?" I asked Nanay Ester.

"Maaga pong umalis kanina, ma'am. Uuwi raw sa Monteral."

I nodded. "Thank you po!"

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko para mag-empake.

I need to breathe a fresh air and reset everything.

I messaged Kuya that I will be going home to Montreal too.

"Who will you going with?"

'Yan ang bungad niya sa'kin nang tumawag siya matapos ang ilang minuto mula nang magsend ako ng message.

"Ako lang. Dapat ba may kasama?"

"I'll send someone to pick you up."

I rolled my eyes. "Wag na. I can-"

"Stop arguing, Jadiana Syra."

I rolled my eyes again. I should have not told him. I badly want to escape this City now.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now