Chapter 19

46 4 2
                                    

Matapos ang masakit na salita na binitawan ni Donya Felipa ay agad itong nagwalkout at sumunod naman sa kanya si Gideon.

"Are you okay?" tanong ni Triana.

I shook my head. "Bakit ang tindi ng galit sa'kin ni Donya Felipa? Ano bang nagawa ko?"

Bumagsak ang mga luha ko.

Maingat akong hinila ni Keener at ikinulong sa mga bisig niya. Doon ay tuluyan na akong napahagulhol.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon ang asta ni Donya Felipa," ani Triana.

"Tri, iwan mo muna kami ni Jade."

"Take care of her, Keener. She don't deserve this."

"I know, Tri..."

Naiwan kaming dalawa ni Keener. Sa paghigpit ng yakap niya ay lalo lang ako napaiyak.

"I'm really sorry, Jade."

Umalis ako sa pagkakayakap sa'kin ni Keener.

"May nagawa ba ako, Keen? What is it? Bakit?"

Kitang-kita ang pagsilay ng sakit at lungkot sa mga mata ni Keener.

"Wala akong maisagot kasi hindi ko rin maintindihan si Lola. I'm really sorry, Jade..."

Nang matapos ako sa pag-iyak ay inayos na namin ni Keener ang mga damit namin at naghanda na para sa pag-alis. Hindi ko na rin kaya magstay dito.

Hindi ko ugali ang ipagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin lalo na kung wala naman akong ginagawang masama para ayawan ako.

"Aalis na kayo?" gulat na tanong ni Triana. Paglabas namin ng kwarto ni Keener ay nakasalubong namin siya at mukhang papunta sa kwarto ni Donya Felipa.

Tanging tango lang ang isinagot ni Keener.

"Keener, nagpaalam ka ba sa lola mo? She will be worried for sure."

Tinignan ko si Triana.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay namuo ang sobrang pagkairita ko sa kanya.

Gusto niya bang batuhin nanaman ako ni Donya Felipa ng mga masasakit na salita?

Hindi nagsalita si Keener at hinawakan lang ang kamay ko tsaka namin nilampasan si Triana. Nakaupo sa may veranda si Gideon. Wala siyang kahit na anong sinabi at bago ako tuluyang makapasok sa loob ng kotse ni Keener ay muling nagtama ang mga mata namin ni Gideon.

And I saw so much pain in his eyes...

Sa byahe ay tahimik lang kami ni Keener.

"Pwede tayong magdrive thru or pwede rin na tumigil tayo sa isang restaurant para kumain."

Nilingon ko si Gideon. "Magdrive thru na lang tayo."

Inalis ni Keener ang isang kamay sa steering wheel at inihawak sa kamay ko.

"Please don't leave me, Jadiana.."

"I will never leave you, Keener."

He took a sigh. "I'm really sorry for what ha-"

"Sorry kasi nag-away kayo ni Gideon dahil sa'kin."

He clenched his jaw. "Gideon is so desperate to steal you from me."

Kung wala kami sa ganitong sitwasyon ay paniguradong kilig na kilig ako sa binitawan na salita ni Keener.

"Gideon is just a friend, Keen. He can never steal me from you. I love him 'cause he's a friend. I love you, Keener...more than you could ever imagine."

Chasing Lies (Chasing #7)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें