Chapter 36

49 2 0
                                    

"Relax," Wardell whispered at me.

Relax? Really? How? Damn it!

"How can I fucking relax?"

"Watch your mouth."

Ngumuso lang ako.

Paano naman ako makakapagrelax kung ngayon na ang araw na sasabihin namin kina Sage ang tungkol sa pagbubuntis ko?

Isang linggo ang nakalipas mula noong malaman ko na buntis ako at simula noon ay nagbago na ang buhay ko.

"I'm here," Wardell is really trying to comfort me.

Nandito na kami sa labas ng bahay ni Kuya Sage. It's 7:00 o'clock in the evening.

Lord, kayo na po ang bahala sa'kin.

"Good evening, Mr. and Mrs. Wainwright!" pormal na bati ni Wardell.

Kuya clenched his jaw. Alam niya na kasama ko si Wardell ngayon, noong una ay tutol siya sa dinner na 'to pero nang sabihin ko na napakimportante ng kailangan kong sabihin ay pumayag din siya. This news is life changing not only for me but for them also.

"Good evening, Mr. Anderson. The dining room is waiting for us. Shall we?" ani Vera. Si Kuya Sage ay walang kakibo-kibo.

Patay ka talaga, Jadiana Syra!

"Si Zerene?" tanong ko nang nasa dining room kami. Sinusubukan ko lang pagaanin ang atmosphere dahil parang mamamatay na 'ko sa kaba.

"Hiniram ni Dark," sagot ni Vera.

"Buti pumayag ka?" tanong ko kay Kuya Sage pero imbis na sagutin ay tinignan niya lang ako nang matalim.

Ngayon pa lang ay alam ko na ang kakalabasan ng pag-uusap na 'to at hinahanda ko na ang sarili ko.

Wala nang atrasan 'to!

"Kumain na muna tayo," ani Vera.

Ilang minuto na rin mula nang matapos silang tatlo kumain pero ako ay mas lalo ko lang binabagalan ang pagkain ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Damn it!

"Make it fast, Jadiana."

Kuya's voice is very authoritative. Lalo lang tuloy akong naduduwag.

"Sage, hayaan mo muna siya kumain," saway ni Vera. Buti na lang talaga ay nandito si Vera.

Sinilip ko si Kuya at ang sama ng tingin niya sa'kin, nag-iwas lang siya nang sintahin siya ni Vera. Maswerte pa rin talaga ako dahil nanjan si Vera, siya ang pampakalma ni Kuya sa kahit anong bagay. You are a life saver, Vera.

"Jade, if you can't tell them, let me do it," bulong ni Wardell.

Nanlaki ang mga mata ko. Umiling ako.

At kahit hindi pa ubos ang pagkain ko ay tumigil na 'ko. Uminom at nagpunas ng bibig bago ko hinarap si Kuya Sage at Vera.

"Spill it," ani Kuya Sage.

Kapag pinaghintay ko pa 'to ay baka sumabog na lalo sa galit 'to.

"Kuya Sage, Vera." Sinubukan ko pang ngumiti kahit paniguradong mukha na akong ewan.

Kuya Sage clenched his jaw.

Wala pa man akong sinasabi ay pakiramdam ko may ideya na siya.

Ipinakita ko sa kanila ang kaliwang kamay ko. "We're gonna get married."

"What?" bulalas ni Vera.

Si Kuya Sage ay walang sinabi pero halos tumagos sa kaluluwa ko ang sama ng titig niya.

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon