Chapter 40

58 2 0
                                    

Keener

Nag-uusap kami ni Gideon dito sa condo unit niya na katabi lang ng unit ni Jade nang tumawag sa'kin si Vera.

Yes! I have contact with her and Sage, both of them are helping me on my plan to get back what's mine and that is Jade.

"Vera?"

"Keener, I have a question. Ikaw ba ang kasama ni Jade sa condo niya noong lasing na lasing siya galing sa Xylo?"

"Oo. Sinundo ko siya sa Xylo at hinatid sa condo niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita ko siyang wasted."

Nandoon lang dapat ako para bantayan siya pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan siya.

"So, may nangyari ba sainyo?"

Nagulat ako sa tanong ni Vera.

Paano siya nagkaroon ng ideya.

"Meron."

"Do you use a protection?"

Umiling ako na animo ay nakikita niya. "Hindi. What's with this question, Vera?"

"Oh, My God! Anak mo ang pinagbubuntis ni Jade, Keener!"

Halos mabitawan ko ang cellphone dahil sa sinabi ni Vera.

Bakit hindi ko naisip ang posibilidad na may nabuo noong gabi na may nangyari sa amin.

"Hello, Keener?"

I can't even talk. I'm damn speechless!

"What's happening?" tanong ni Gideon.

Umiling-iling ako. Tangina! Sa akin ang pinagbubuntis ni Jade? Wala naman akong pakialam kung sakali nga na anak ni Wardell ang baby, mamahalin ko pa rin siya na parang galing sa'kin. Pero iyong ako ang totoong ama, sobrang saya ko!

Gustong gusto ko na umalis at puntahan si Jade para makumpirma.

"Vera, si Gideon 'to." Kinuha sa'kin ni Gideon ang phone ko.

Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila. Parang naglakbay pabalik ang isip ko doon sa gabi na kinuha ko siya sa Xylo.

Nandito ako sa Xylo dahil nalaman ko kay Gideon na nandito si Jade. Both Gideon and Triana are having a night while I'm here at the corner watching the love of my life dancing with another man. Damn!

Hindi pa ako pwedeng lumapit kay Jade hangga't hindi ko pa nakukumpleto ang ebidensya na magpapatunay na nagsasabi ako ng katotohanan, na wala akong kinalaman sa nangyari kay Vera at Sage, na hindi ako kasing sama ng iniisip niya sa'kin. Ayoko na magpadalos-dalos, ayoko na muli niya akong itulak palayo, ayoko na tuluyan na siyang mawala sa'kin.

"Calm yourself." Pinigilan ako ni Gideon nang akmang pupuntahan ko na si Jade. Gustong-gusto ko na siya hilahin palayo sa lalaking kasayaw niya. Tangina!

"Kapag nalaman 'to ni Wardell ay paniguradong gagawa nanaman siya ng paraan para lalong maging masama ka sa mga mata ni Jade, Keener."

Tama si Gideon. Hindi pwedeng mauwi sa lahat ang mga pagtitiis ko na malayo kay Jade, hindi pwede na mauwi lang sa lahat ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila ni Wardell na magkasama. And yes, all this time ay nasa paligid lang ako ni Jade, tinatanaw siya mula sa malayo, minamahal siya mula sa malayo at nakuntento ako sa ganoon.

Nang makita ko na lasing na lasing at nawalan na si Jade ng malay ay lumapit kaagad ako sa kanya.

"Don't touch her," sabi ko sa lalaking humawak sa kanya.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now