Chapter 29

45 3 2
                                    

"What the hell? Where is Max?" Histerikal ako.

"Relax, Jadiana. I will not going to hurt you."

Nag-alab ang galit sa puso ko. "Well! You already did!"

"I just wanna talk to you."

"I don't wanna talk to you! I don't even wanna see your face, kidnapper!"

Hindi na siya nagsalita ulit at nagpatuloy lang sa pagdadrive.

Itetext ko na si Wardell nang biglang hablutin ni Gideon ang phone ko.

"Fuck! Give it back to me!"

"We will talk!" madiin na sabi niya.

"Ayoko! Tangina!" sigaw ko.

"Huli na 'to, gusto lang kitang kausapin."

"Wala naman na tayong dapat pag-usapan. Wala rin akong sasabihin sa'yo-"

"Ako marami. Please, I really wanna talk to you. Hindi ko 'to ginagawa para kay Keener. Gustong gusto lang talaga kitang kausapin. So please..."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Gideon dahil wala naman akong mapapala. Masasayang lang ang energy ko.

"Saan mo 'ko dadalhin? tanong ko nang kanina pa nagdadrive si Gideon at ngayon ay palabas na kami ng siyudad.

"Just trust me-"

"I don't trust you anymore!" madiin na sabi ko.

He took a sigh. "Ibabalik kita agad sa oras na matapos tayong mag-usap."

"Wardell will look for me. I'm pretty sure he will not gonna sit at the hotel and wait for me to come back-"

"I'm beyond ready to face the consequences of kidnapping you."

Nahilot ko na lang ang sintindo ko.

Ako ang kinakabahan para kay Gideon. For sure, Wardell will raise hell the moment he knew that I'm missing.

Sa isang liblib na resort kami rito sa Laguna nagpunta.

"Bakit kailangan pang lumayo ng ganito kung makikipag-usap ka lang naman sa'kin?"

"Jadiana, please? Just this once, trust me." Halatang napapagod na siya sa pakikipagtalo sa'kin.

Umirap ako bago sumunod sa kanya sa loob.

I think this is a privately owned resort.

Mula sa entrance ay malayo layo pa ang lalakarin bago makarating sa isang Spanish style na rest house. Walang tao rito bukod sa amin ni Gideon.

"You owned this?" tanong ko nang nasa may veranda na kami ng rest house.

Hindi siya sumagot. Nakaramdam naman ako ng kaba sa paaran ng pagtingin sa'kin ni Gideon.

Anong binabalak niyang gawin sa'kin?"

"Gideon!"

Napalitan ng lungkot ang ekspresyon ng mga mata niya.

"Sana ay naging makasarili na lang ako noon," aniya.

"What are you talking about?" Nakataas ang isang kilay ko.

Lumayo si Gideon. Umupo siya sa rattan chair na nasa kabilang side ng veranda.

"What are you talking about, Gideon?" inis na sigaw ko dahil tinignan niya lang ako ulit imbis na sagutin.

"My feelings for you is genuine, Jade. Mahal kita noon pero napagtanto ko na mas mahal kita ngayon."

Napasinghap ako sa sinabi niya.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now