Chapter 18

43 4 0
                                    

"May dapat ba akong malaman, Keener?"

I heard him sigh.

"Tria don't want us together."

Mariin ako napapikit. Sana naman ay hindi ang naiisip kong dahilan ang dahilan kung bakit ayaw ni Tria na kami ni Keener.

"Why? Gusto ka ba niya?"

"What?" Halatang hindi makapaniwala si Keener. "She don't want us together 'cause she's mad at me for what I did to you, Jade."

Tila nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Keener pero may konting parte pa rin sa akin na hindi mapalagay.

"Let's meet later, Keener."

Madiin ang pagkakasabi ko.

"I'll text you where." Hindi ko na hinintay na sumagot siya.

My God! Dito pa talaga sa L.A. kami nagkaroon ng mini reunion, ah!

Matapos kong magshopping ay tinext ko na kay Keener kung saang restaurant kami magkikita.

"Jade..." He kissed me in the cheek.

"Are you mad?" he asked.

I shook my head. "I'm just confused. Bakit parang galit na galit kayo ni Gideon sa kung ano man ang sasabihin ni Triana sa akin?"

"Nagkita ulit kayo ni Gideon?" He clenched his jaw.

"Kanina. Pinilit niyang isama si Triana."

Mariing pumikit si Keener at hinilot ang sintido niya. He looks so tired. Naguilty naman ako, kaya lang ay gusto ko rin ng sagot.

"Triana threatened me that she will do everything to make you hate me, Jade. Sinisisi niya ako kung bakit nasira ang pagkakaibigan niyo. I can't blame her, I'm such an asshole to you, I understand where she's coming from but I can't understand why she needs to create lies for you to leave me."

Kitang-kita ko ang pagsilay ng lungkot sa mga mata ni Keener.

"I don't want you to believe on her lies and leave me....I don't want to lose you again." He reached for my hands.

"Do you really think that I will believe her?"

"Maybe? Sinaktan na kita noon-"

Pinutol ko ang sinasabi niya at ngumiti sa kanya.

"I trust you, Keen. Hindi ako maniniwala sa sasabihin ng iba, laging sa'yo. I trust you enough and I know you will never hurt me again, Keener."

"I love you so much, Jade..." Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko.

"I love you so much, Keener..."

Kumain lang kami ni Keener pagkatapos ay hinatid niya ako sa bahay. Mabuti na lang ay tinamad akong magdala ng kotse.

Pag-uwi ko sa bahay ay doon ko lang napansin na may message si Gideon.

From: Gideon
Whatever Triana said, please don't believe her.

Nangiti naman ako.

Kunwari pa 'tong si Gideon na tutol sa relasyon namin ni Keener pero ang totoo naman ay supportive rin. Kapag nakasal na kami ni Keener gagawin ko talaga ang lahat para maging maayos ang dalawang 'to.

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon