Chapter 6

61 4 4
                                    

Dahil sa pagod sa byahe ay maaga akong nakatulog kaya maaga rin akong nagising ngayon. Bumaba ako para magbreakfast nang madatnan ko sa kusina si Gideon at nagkakape.

"Good morning," bati ko sa kanya.

Umangat ang isang kilay niya. "May himala ata?"

"I'm just being nice to you 'cause you're Keener's cousin," sabi ko at tinalikuran na siya para kumuha ng fresh milk.

"Tss. Then stop being nice to me."

Muli ko siyang hinarap. This time ay ako naman ang nakataas ang isang kilay sa kanya.

"Mas gusto ko 'yong masungit ka, mas gumaganda ka."

Kumindat pa siya bago tumayo mula sa pagkakaupo tsaka umalis.

"You're such a flirt!" sigaw ko.

Narinig ko pa ang tawa niya.

Ang landi ng Gideon na 'yon! Sorry ka na lang dahil si Keener lang ang gusto kong landiin.

Matapos kumain ay nag-asikaso na 'ko para sa pagpunta sa hotel.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.

I'm wearing a lavender ice deep v-neck top, an old rose satin palazzo trousers and a pair of black ankle strap heels. I curled my hair and put a wine red shade of lipstick.

"Go get the man of your dreams, bitch!" I smirked.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si Gideon na mukhang inip na sa paghihintay sa akin. Tinapunan niya pa ako ng malamig na tingin.

"What?" Pinagkrus ko ang mga braso ko.

Umiling lang siya tsaka nauna na lumabas.

"Hindi mo naman ako kailangan ipagdrive, may kotse-"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "Can you just get in the car?"

Parang nagpipigil ng galit ang isang 'to.

"Anong problema mo?" inis na tanong ko.

"Please, Jade. Just get in the car and we're leaving."

I rolled my eyes before entering in the backseats.

Tahimik lang kami sa byahe. Iritadong iritado naman sa buhay itong si Gideon, rinig kong napapamura siya sa tuwing traffic o 'di kaya naman ay naabutan siya ng stop sa stoplight.

Pagdating sa harap ng hotel ay agad na bumaba si Gideon at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks."

Matalim niya lang akong tinignan at pumasok na sa kotse tsaka pinaharurot ito paalis.

"Gideon!"

Napasigaw pa ako dahil sa sobrang bilis magmaneho ni Gideon.

"What's happening?"

"Kanina ka pa jan?" tanong ko kay Keener na ngayon ay salubong na salubong na ang kilay.

"What's happening?" pag-uulit niya.

"Hindi ko alam. Napasigaw ako kasi sobrang bilis ni Gideon magpatakbo ng sasakyan baka maaksidente siya."

He clenched his jaw. "So you're worried about him?"

"Of course! He's your cousin."

Nagulat ako nang hilahin ako ni Keener para yakapin.

"I'm jealous. I'm fucking jealous."

Automatic naman akong napangiti. "Why? He's not my type."

"I'm still jealous!"

"You are my type, Keener."

Chasing Lies (Chasing #7)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ