Chapter 26

55 2 2
                                    

Alas tres pa lang nang hapon ay palabas na ako sa opisina ko. Alas kwarto ang meeting nila Gideon at Wardell, kahit imposibleng makita niya ako rito sa opisina ay natatakot pa rin ako.

"You're going home?" tanong ni Wardell. Paglabas ko kasi sa office ay nakasalubong ko siya at mukhang papunta sa opisina ko.

"Yup. Wala pa naman si Gideon, di' ba?"

Kumunot ang noo niya. "Kaya ba maaga ka uuwi? Don't worry, I will not tell-"

"I'm gonna go shopping."

"Really, huh."

Umirap lang ako bago lagpasan si Wardell.

"Jade."

Nag-angat ako ng isang kilay nang lingunin ko si Wardell.

"Hindi kita masasamahan, here's the car key."

Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang susi. Mas okay na 'to at baka mahirapan pa akong makahanap ng taxi papunta sa mall.

"Thanks."

"Take care."

Tumango lang ako at tuluyan nang umalis.

Naisipan ko muna na bumili ng kape sa isang coffee shop sa baba lang ng building.

Nakaorder na ako at naisipan ko na umupo muna sa may bandang sulok na pwesto at tila binuhasan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang isinigaw ng barista.

"3 hot tall americano for Mr. Keener."

"What the fuck?" bulong ko sa sarili.

Napapikit ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Todo yuko ako rito sa sulok.

"You think Wardell can help us?"

Damn it! It's Keener's voice.

Kakalampas niya lang sa'kin at kasama niya si Gideon.

Anong gagawin ko? Halos hindi na ako makahinga.

Bago pa ako tuluyang matawag ng barista ay agad na akong lumabas ng coffee shop habang abala ang dalawa sa order nila.

Agad kong pinatakbo ang Rover ni Wardell at dahil sa taranta ay kahit nakared light pa ay derederecho ang tawag ko.

"Fuck!"

Nafufrustrate na sigaw ko nang may mabangga akong kotse.

Mabuti na lang ay hindi malakas ang pagkakabangga ko at nagasgasan ko lang ang kotse ng nabangga ko.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse.

"Miss, nababaliw ka na ba? Nakita mong red light!" Galit na galit ang driver ng nabangga ko.

"Sorry-"

"Anong sorry? Sorry na lang? Bumaba ka jan tignan mo 'yong damage na ginawa mo!"

"I will pay na-"

"Sa'yo na ang pera mo! Hindi lahat nadadala sa pera, paano ka matututo niyan kung sa mga pagkakamali na nagawa mo ay tatapatan mo ng pera? Tatawag ako ng pulis."

Mariin akong napapikit. I have no choice but to call Wardell.

"You missed me?"

"Naaksidente ako."

"What? Where are you?"

Wala pang ilang minuto nang sabihin ko kay Wardell kung nasaan ako ay agad siyang nakarating. Siya na rin ang nakipag-areglo sa galit na galit na driver na nabangga ko.

"Wardell."

Binabagtas na namin ang palabas ng business park.

"Hmm?"

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon