Chapter 22

51 5 4
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. I'm so lost! Hindi ako nagdalawang isip na umalis sa condo unit ni Keener kahit pa sinubukan niya akong pigilan. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sakit kung sakaling hindi pa ako umalis. Hindi ko na kayang makasama ang lalaking halos patayin ako sa sakit.

I want nothing but to runaway from him!

Nanlamig ang buong katawan ko nang muntik na akong mabangga ng kotse nang papatawid ako.

"What are you doing?"

Si Gideon ang iniluwa ng kotse at kitang-kita ang galit at pag-aalala sa mga mata niya.

Nakaupo ngayon sa sahig, niyakap ko ang mga tuhod ko at humagulhol.

"I don't deserve this kind of pain..."

Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Bitawan mo 'ko!" protesta ko nang buhatin ako ni Gideon.

At dahil sa lakas niya at isabay mo pa na nanghihina ako ay hindi ko na nagawang umalis mula sa pagkakabuhat niya hanggang sa maipasok niya ako sa kotse.

"So, you're also part of this plan. Si Keener, Triana, ikaw at may iba pa ba? Si Donya Felipa? Lahat kayo, hindi ba"

Hindi sinagot ni Gideon ang tanong ko.

"Is that the reason why you applied as my bodyguard, Gideon?"

Katulad kanina ay hindi ako sinagot ni Gideon.

"Answer me!"

He took a sigh. His eyes are still on the road.

"I'll answer that once we got home."

"I don't wanna be with you! Kung saan mo man ako dadalhin-"

"Ihahatid kita sainyo. I'll answer your questions then I will leave. I just wanna make sure you're safe."

Hindi na ako umangal pa. Gusto ko na rin umuwi at masagot lahat ng katanungan sa isip ko. Hindi kaya ni Keener sagutin lahat ng katanungan ko kaya kahit ayoko rin na makasama si Gideon ay titiisin ko.

Halatang nagulat ang caretaker ng bahay sa biglaang pagdating ko.

"Now, answer me."

Matalim ang titig ko ngayon kay Gideon.

"I want nothing but the truth, don't you dare lie to me," dagdag ko pa.

"I won't lie to you-"

"I don't trust you anymore," malamig pa sa yelo na sabi ko.

I don't trust their family anymore!

He took a sigh.

"I don't have more time for you-"

Pinutol ni Gideon ang sinasabi ko.

"Ang Wainwright Group of Hotels at Zamonte Group of Hotels ay mortal na magkalaban, it's not a healthy competition anymore. Determinado si Lolo na maungusan ang hotel niyo at maging number 1 hotel hindi lang dito sa bansa kung hindi sa ibang bansa kung saan nangunguna ang hotel niyo and when he finally succeeded, your father ordered to kill him including my parents and Keneer's parents."

Tumigil si Gideon sandali.

"Kung paano namin nalaman na ang daddy mo ang may pakana ng plane crash? One of his men betrayed him kaso wala kaming sapat na ebidensya, malinis at magaling ang ginawang krimen ng daddy mo." Nakita ko kung paano sumilay ang galit sa mga mata ni Gideon.

"Yes." Derecho ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. "You're right. I'm part of the plan and I applied as your bodyguard because of that reason."

Kahit alam kong ito naman talaga ang totoo ay hindi ko pa rin maiwasan na masaktan nang sobra.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now