Chapter 10

50 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa silaw at nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko ay tumambad sa akin si Tria na dahilan kung bakit nabuksan ang curtain blinds.

"What?" Ngumuso pa ako dahil antok na antok pa talaga ako. Nagtalukbong din ako ng kumot.

"Come on wake up, Sleeping Beauty. Your Prince Charming is waiting for you!"

"What are you saying, Tria? Puyat ako, I want to sleep pa."

"Gaga! Keener is waiting at you downstairs."

Agad akong napamulat sa sinabi ni Tria.

"What? Stop kidding me!"

"Of course, I'm not kidding you!"

Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga.

"Nandyan nga siya?"

She nodded. "Yup."

Sumilay pa ang nakakalokong ngisi sa mga labi ni Tria.

"Help me, Tri." At dahil sa sprain ko ay hirap na hirap akong kumilos. Muntik pa nga akong tumalon sa kama ko dahil sa excitement.

I'm really thankful to Tria 'cause she really helped me to dress up. At nang makuntento na 'ko sa itsura ko ay bumaba na ako gamit ang saklay na inorder ni Kuya Sage sa online pero siyempre dahil love na love ako ng BFF kong si Tria ay inalalayan niya pa rin ako.

"Keener."

Napatayo agad si Keener. Nadatnan ko siyang seryosong kausap si Kuya Sage.

Ano naman kayang pinag-uusapan nila?

"How are you?" tanong ni Keener.

"I'm fine. Wala kang work today?"

He smiled. "It's my day off and I want to spend the day with you."

Halos mapunit ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko. Naagaw ang atensyon namin ni Kuya Sage nang tumikhim siya.

"Breakfast is ready. Join Jade and Tria for breakfast, Keener. I have a meeting Jade, I'll go now."

Nagulat pa 'ko nang tumango si Kuya Sage kay Keener.

"Nag-iba ata ang ihip ng hangin?"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasta ni Kuya.

"Mukhang good mood si Sage. Sulitin mo na," natatawa pang sabi ni Tria. Natawa na rin ako.

Hindi ko maitago ang kilig ko habang todo alalay sa akin si Keener ngayong papunta kami sa dining room.

I still can't believe he chose to spend his day off with me. If this isn't obvious that we have mutual feelings for each other then I don't know anymore.

Masaya kaming tatlo nila Keener at Tria na kumakain nang pumasok sa dining room si Gideon.

"Good Morning, Gideon! Join us," sabi ni Tria sabay ngiti.

Ngumiti rin si Gideon at tumango tsaka umupo sa tabi ni Tria. Nang magtama ang mga mata namin ay himalang ngumiti rin siya sa akin.

I raised my eyebrow.

Si Gideon ba talaga ang kasama namin ngayon? May himala ata, ah?

"So how's your foot?"

Halos masamid pa ako nang bigla akong kausapin ni Gideon.

"Medyo okay na."

"Good."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now