Chapter 7

44 3 1
                                    

"I was about to surprise you both but now, I'm surprised."

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi ni Triana.

Napatili na ako tsaka yumakap sa kanya. "Oh, My God! I didn't expect you to be here now!"

Halos maluha luha pa 'ko sa tuwa.

Remember Triana? She's my high school best friend that living in Madrid and also the reason why I met the love of my life, Keener.

"I came him first 'cause I will ask Keener for help to surprise you, girl! 'Cause nabalitaan ko na he's working in your hotel but I didn't expect you to be here. Mukhang marami na akong hindi nalalaman, ah?"

Nagtawanan naman kami ni Triana.

"Well! I guess I really owe you a lot of explanation."

Lalo naman siyang natawa.

After lunch ay nagdecide na kami ni Tria na umalis na sa condo ni Keener at hayaan na muna siyang magpahinga dahil sa night shift pa siya mamaya sa hotel.

"Are you really sure that it is okay if I stay at your house?"

I nodded. "It's a privilege to be with a very beautiful chic at my house."

Kumindat pa ako sa kanya at natawa naman siya.

Plano pa niya kasing magcheck in sa hotel namin pero nag-offer ako na magstay na lang siya sa  bahay tutal wala rin naman doon si Kuya Sage at masyadong malaki ang bahay para sa akin at sa helper namin.

"I'm really happy that you're here, Tria!"

"Oh, My-"

Hindi na natapos ni Tria ang sinasabi niya nang pagpasok namin sa loob ng bahay ay nadatnan namin si Gideon na prenteng prente sa pagkakaupo niya sa may receiving area.

"Gideon?"

Halatang gulat si Tria.

"You know him?" tanong ko pa kay Tria.

"Yup. Keener's cousin."

Tumayo si Gideon at lumapit kay Tria. Nagulat ako nang kunin nito ang kamay ni Tria at halikan.

"It's nice to see you again, Triana."

Nilingon ako ni Triana. "You really owe me a lot of explanation."

Natatawa pang sabi niya. Nailing na lang ako.

Nang maihatid ko si Tria sa magiging room niya ay nagpaalam na muna ako saglit sa kanya para hayaan na rin muna siyang makapagpahinga.

"Akala ko ba off mo?" Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ni Gideon.

"Tapos na 'yong inaasikaso ko, e."

Umangat ang sulok ng labi ko. "Wala ka bang bahay?"

"Hindi ka ba nainform ng kuya mo na stay in ako?"

I rolled my eyes. "Whatever!"

"Tss."

Nainis naman ako. Talagang kumukulo ang dugo ko sa Gideon na 'yon!

May biglaang meeting na kailangan kong puntahan kaya kinailangan kong magpaalam kay Triana kaya lang ay natutulog siya kaya nagmessage na lang ako sa kanya.

"Gideon."

Bored akong tinignan ni Gideon.

"Drive me to the hotel. May meeting ako."

"I'm still on leave."

I clenched my jaw. "Wow! So hindi mo talaga ako ipagdadrive?"

"Are you deaf? I said I'm still on leave."

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now