Chapter 3

72 4 2
                                    

Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para makatakas kay Gideon.

"Gideon."

Nilingon niya naman ako.

"I have to go to the restroom."

Tumango siya at tumayo. Agad naman akong umiling.

"Hindi mo na ako kailangan samahan sa restroom, you should stay-"

"Mr. Wainwright told me to never follow your orders."

Agad naman akong nakaramdam ng inis.

"Edi sumama ka hanggang sa loob kung gusto mo! Bwiset!"

Mariin akong napapikit nang makasapasok na 'ko sa restroom.

"Gosh! What should I do?"

Nafufrustrate na ako.

Maya maya lang ay matatapos na ang shift ni Keener pero heto ako at hindi pa rin makaisip ng paraan para makatakas kay Gideon.

I texted Keener.

To: Keener
Let's meet at the restaurant na lang, ah.

Paglabas ko ng restroom ay nakatayo sa gilid ng pinto si Gideon.

"Hindi ka pa pumasok, nahiya ka pa!"

Sarkastikong sabi ko. Wala siyang imik.

Nang mag-alas singko ay nagdecide na akong umuwi dahil wala na talagang pag-asang makatakas ako ngayon kay Gideon.

Nasa sasakyan na ako nang magvibrate ang phone ko.

From: Keener
Why? Pwede namang sabay na tayo.

Nag-angat ako ng tingin at mula sa rearview mirror ay nakita kong nakitingin sa akin si Gideon.

"What are you looking at?" mataray na tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at inalis lang ang mga mata sa'kin.

Ang bastos din ng isang 'to. Ang sarap pukpukin ng heels na suot ko.

Agad na akong nagtipa ng reply kay Keener.

To: Keener
Magpapalit muna ako ng damit.

Nangiti naman ako nang magreply siya agad.

From: Keener
Really? Or may lakad muna kayo ng lalaking humila sa'yo kanina?

I bite my lower lip.

Ayan at nagseselos nanaman ang mahal ko, hay!

To: Keener
I'll explain later.

Hindi na siya nagreply ulit.

Pagdating sa bahay ay nagshower muna ako at nagready para sa dinner namin ni Keener.

I took a deep sigh.

Kailangan ko na umalis ngayon dahil papunta na raw si Keener sa restaurant.

I have no other choice but to risk my life. Pilay lang naman siguro ang aabutin ko if ever na malaglag ako rito, no?

Ang plano ko kasi ay dito na dumaan sa balcony para makalabas ng bahay. At gusto kong magdiwang nang makababa ako nang buhay. Maingat ako naglakad palabas ng bahay. Nang makalabas ako ng gate ay doon ko lang isinuot ang pumps ko.

"Grabeng experience 'yon, ah!"

Nasabi ko pa sa sarili.

Wala akong choice kung hindi magtaxi dahil hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ko at malalaman ni Gideon na umalis ako kaya naman late ako sa dinner namin ni Keener.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now