Chapter 35

49 2 2
                                    

"Back to reality."

Nag-aasikaso na 'ko para sa pagbabalik opisina ko. Tapos na ang dalawang linggo na bakasyon at bitin na bitin pa 'ko. Kung iyong dating version ko ay malamang nagtagal ako sa Montreal hangga't gusto ko pero that's the old version of me. Habang tumatanda tayo ay mas namumulat tayo sa mga responsibilidad natin. At kahit pa tagapagmana ako ng mga hotel namin ay kailangan ko pa rin na magtrabaho nang mabuti lalo na at ako na lang ang inaasahan ni Daddy.

Hindi na bumalik sa dati ang relasyon ni Kuya at  Daddy, hindi ko naman masisi si Kuya Sage. Naging makasarili si Daddy. Pero siyempre ang mga Zamonte pa rin ang dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.

Halos isang oras na rin ako na nakaupo sa swivel chair ko pero wala pa akong nasisimulan na trabaho. Nahihilo ako at sumasama nanaman ang pakiramdam ko.

"Maybe it's over fatigue," ani Wardell. Dinalhan niya ako ng lunch.

Kumunot ang noo ko. "Over fatigue? E, kakapasok ko nga lang ulit."

"Maybe because of stress?"

Tumango ako.

"For sure. Lately ay sobrang nakakastress ang dami ng trabaho."

"Dapat ay inextend mo ang bakasyon mo."

"I can't. I have a lot of things to do."

Nang matapos ako kumain ng lunch ay kahit papaano ay bumuti ang pakiramdam ko. Wala nga akong ganang kumain kanina at mabuti na lang ay pinilit ko ang sarili ko. I'm considering asking my dietitian for some help, baka mamaya ay nasosobrahan ako sa pagdadiet kaya humihina ang katawan ko.

Kahit tanghali na ako nagsimula magtrabaho ay naging productive pa rin ang araw ko.

At sa mga sumunod pa na araw ay wala akong ibang inatupag kung hindi ay magtrabaho.

Sabado at balak ko sanang magshopping pero heto ako at lupaypay sa kama.

I feel so nauseous.

Sinunod ko naman ang mga bilin ng dietitian ko pero madalas pa rin ang pagsama ng pakiramdam ko. Maybe I'll need some check up.

Dahil sa hindi magandang pakiramdam ko ay natulog lang ako maghapon at nang magising ako ay ayos na ang pakiramdam ko.

Siguro nga ay dahil sa stress at pagod kaya nagiging sakitin ako lately.

Papunta ako kina Kuya Sage at plano ko na doon muna matulog. Habang nasa byahe ay may nadaanan ako na isang seafood restaurant kaya kahit na mahaba ang pila sa labas ng restaurant ay tumuloy pa rin ako.

Halos isang oras rin ang pinila ko sa labas ng restaurant pero sobrang saya ko nang makabili ako ng mga seafood. Excited na rin ako makarating kina Vera dahil paborito rin ni Zerene ang seafood.

"Tita Jadey!" Yumakap agad sa'kin si Zerene.

"How's my beautiful Zerene?"

"I'm good po, Tita."

I smiled.

"Very good. Give me a kiss."

Nagtawanan naman kami ni Zerene dahil bago niya pa ako makiss sa cheeks ay tumalon na papunta sa'kin si Lost.

"Oh! Nagseselos ba ang big boy Lost na 'yan?"

Lalo pa kaming natawa nang tumahol si Lost.

Tulad ng inexpect ko ay tuwang-tuwa si Zerene sa seafood na dala ko. Naparami ang bili ko dahil nga sa crave na crave ako at ipinila ko pa 'to ng isang oras pero nang magsimula na akong kumain ay bigla akong nawalan ng gana. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko nagustuhan ang lasa gayong favorite ko 'to. Weird. Ang ending tuloy ay cup noodles lang ang kinain ko dahil hindi ko rin gusto ang ulam nila Vera na BBQ spareribs.

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon