Chapter 27

43 3 2
                                    

Kanina pa nakaalis dito sa opisina ko si Wardell pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

"Anong ginagawa niya rito?"

Agad kong ipinilig ang ulo ko para mawala ang kahibangan na iniisip ko. Hindi pupunta si Keener rito para sa'kin dahil paniguradong hindi niya naman ako hinanap.

Makalipas ang isang oras ay nakatanggap ako ng message mula kay Wardell. Nakaalis na raw si Keener at kasalukuyan silang magdidinner ngayon. Bigla naman sumagi sa isip ko ang tunay na ugnayan ng dalawa.

Sinisimulan na ba ni Wardell ang paghihiganti kay Keener para sa'kin? O baka naman bumalik na siya sa katinuan at naisipan na wala naman siyang mapapala kung ipaghihiganti niya 'ko? Ah! This is so frustrating! I badly want to know what their real relationship but I just can't find an answer.

Dumaan ang mga araw at ngayon ay naghahanda ako para sa elite party mamaya. Sa dami ng trabahong ginawa ko nitong nagdaang araw ay nawala na sa isip ko ang party at naalala lang nang dumating kahapon ang gown na susuotin ko. Ngayon ay hindi na ako nag-abala pa na kumuha ng make up artist dahil marunong naman akong mag-ayos ng sarili.

I'm looking at my reflection in the mirror right now.

I'm wearing a champagne gold beaded high slit evening gown and a pair of nude Christian Louboutin heels.

"You are so drop dead gorgeous, bitch!" I said while putting my diamond earrings.

"For you.."

Pagbukas ko ng pinto ay si Wardell ang bumangad sa'kin na may hawak hawak na bouquet ng red roses.

"Why are you here?"

"Asking the obvious?" He smirked.

I rolled my eyes. "As if I have a choice."

He chuckled.

Inexpect ko naman na magiging date ko si Wardell.

"New car?" tanong ko kay Wardell nang ibigay ng valet ang susi para sa nakaparadang itim na BMW Prototype sa harap namin.

He just nodded.

Hindi pa man nakikita kung sino ang sakay ng itim na BMW ay agad na nagkagulo na ang mga press photographers. Sino bang hindi? This car cost probably around 50 million pesos, from the car itself alam mong bigatin ang sakay.

Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata ng press photographers lalo nang makitang ako ang date ni Wardell.

Wainwright heiress Jadiana went to the party with The Hottest Bachelor Business Tycoon Wardell Anderson

For sure, ganyan ang headlines sa halos lahat ng news hindi lang locally.

Alam ko ang magiging kapalit ng pagdedesisyon ko na pumunta rito. And finally, napagod na rin ako sa pagtatago.

Nang papasok na kami sa loob ng hall ay ipinulupot ni Wardell ang braso niya sa bewang ko.

"All eyes on you, but I can't blame them," he whispered.

Nangiti na lang ako sa sinabi niya.

Mas malaki ang party na 'to sa ineexpect ko. Nang makapasok kami sa loob ay kami ang naging sentro ng atraksyon at hindi ko sila masisisi.

"Wardell!"

Agad na binati si Wardell ng isang CEO ng isang pinakamalaking real estate company sa bansa.

"Mr. Wang, I'm glad you came."

"Of course! I will never miss this one of a kind event, especially that you're the one who organized it."

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now