Chapter 9

47 3 0
                                    

Nang makabalik sina Gideon at Tria ay pinagsaluhan namin ang mga pagkain na binili nila. Si Keener ay hindi sumalo sa amin dahil busog pa raw siya.

Hinihintay na lang namin ang mga results ng examination na ginagawa sa akin para makauwi na kami. Ang sabi naman kasi ni Doc ay pwede naman na akong madischarge at sa bahay na lang magpahinga. Ang OA pa nga ni Gideon dahil nagpumilit pa siya na magstay ako pero buti na lang ay pumanig sa akin si Doc.

Nang makabalik sila Keener at Tria, sila kasi ang nag-asikaso ng hospital bill ko, sakto ring pagpasok ni Doc para idiscuss ang naging resulta ng mga examination na ginawa sa akin.

"You just need to rest and please just rest."

I smiled. "Thank you po, Doc!"

"Sinabi mo na ba 'to sa Kuya mo?"

I rolled my eyes. "Ang OA mo talaga, Gideon Lewis!"

Ewan ko kung bakit biglang ngumisi si Gideon, iba 'yong ngisi niya hindi 'yong ngising tila nang-aasar siya. Parang masaya siya?

Nakasakay ako sa wheelchair habang palabas kami ng hospital kung saan ay si Keener ang nagtutulak sakin.

"Let me."

Rinig kong sabi ni Gideon.

"I can do it."

"He's my responsibility-"

"Then why you let this happened to her?"

I rolled my eyes. Here we go again.

"Ako na sabi!"

"What the heck?" bulalas ko nang biglang hilahin ni Gideon ang wheelchair mula sa pagkakahawak ni Keener.

"Tumigil nga kayo!" saway ni Tria. "Baka imbis na gumaling si Jade ay mainjured pa siya lalo sa ginagawa niyong pag-aagawan. Para kayong mga bata. Pull your shit together, you're embarrassing us!"

Natigil naman ang dalawa sa pagtatalo. And I don't know how Tria convinced Gideon to let Keener drive me home. E, siya 'yong tipo ng tao na ang hirap hirap pakiusapan.

"So, what really happened?" tanong ni Keener nang nasa kotse niya na kami.

"Natapilok nga ako." I pouted.

Parang ayaw niya kasing maniwala na natapilok lang talaga ako.

"You should be more careful, Jade. Para akong aatakihin sa puso nang ibalita ni Tria na naaksidente ka."

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. "Bakit ka naman aatakihin?"

He chuckled.

"Bakit nga?"

Imbis na sumagot ay ngumisi lang si Keener na tila ipinapahiwatig na alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay maingat akong inalalayan pababa ng kotse ni Keener.

Impit pa akong napatili nang bigla niya akong buhatin. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko para maiwasan na umabot sa hanggang tenga ang ngiti ko.

Kinikilig ako!

"Jade."

"Hmm?"

Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Keener dahil nahihiya akong makita niya ang mal'kamatis na mukha ko ngayon dahil sa kilig, although for sure naman ay alam niya namang patay na patay talaga ako sa kanya.

"Stop calling Gideon with his full name."

Nangisi naman ako. Umalis ako mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Keener.

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now