Chapter 33

37 3 2
                                    

Nakaupo ako sa kabilang side ng sofa habang si Gideon ay nasa kabilang side naman, malayo ang agwat namin dalawa. Halos 15 minutes din siya na nawala nang magreport sa security tungkol sa nangyari. Ang sabi niya ay siya na rin ang nagsalaysay ng nangyari para hindi na ako abalahin ng security personnel ngayon pero bukas ay asahan ko raw na may pupuntang security personnel para magbigay ng update.

"Aren't you scared of me?"

Napatingin ako kay Gideon dahil sa tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ba ay pinaniwalaan mo na may balak akong patayin ka?"

Napalunok ako.

He's talking about the shooting incident. Hindi ko inasahan na ibibring up niya ang bagay na 'yon.

"Naniwala ka rin na ako ang bumaril kay Keener, hindi ba?"

I took a sigh. "I don't know what to believe anymore."

Oo at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pinaniniwalaan ko pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit lagay pa rin ang loob ko kay Gideon, ni katiting na takot ay wala akong nararamdaman. Dapat ay takot at lumalayo ako sa kanya dahil minsan niya nang binalak na patayin ako pero hindi ganoon ang nararamdaman ko, walang katakot. I admit, his company right now feels comforting.

"You didn't believe Keener."

I took a sigh again. "Because Wardell has no reason to lie to me."

"Then why I'am here if you're believing that I wanted to kill you?"

That's a big question for me too, Gideon.

"I'm no criminal, Jade." Lumungkot ang mga mata niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Pero kung ito ang kabayaran sa lahat ng sakit na naibigay ng pamilya namin sa'yo, then let it be. Masakit man pero ayos lang na isipin mo na isa akong kriminal."

"Gideon."

Malungkot siyang ngumiti. "Just do whatever makes you happy."

"I really don't know what to believe, I'm sorry."

Tumayo si Gideon.

"You know what to believe, Jade. You can't just accept it. Time is the ultimate truth teller," aniya bago lumabas sa condo ko.

Namasa ang ilalim ng mga mata ko.

Fuck! Bakit ba lagi na lang ako ang nakakaramdam ng guilt? I didn't do anything wrong!

Dahil sa nangyari insidente ay dumito muna ako kina Kuya Sage. Hindi ko na sinabi sa kanila ang nangyari dahil paniguradong mag-aalala lang sila at isa pa ay ayon sa imbistigasyon ay pagnanakaw talaga ang motibo kaya malinaw na hindi ako ang pakay at imposible na bumalik pa 'yon. Lalo rin nilang pina-igting ang seguridad sa condo.

"Isang linggo ka na sa bahay ni Sage umuuwi, ah? May nangyari ba?" tanong ni Wardell.

Maging sa kanya ay hindi ko na sinabi ang nangyari. Ayos naman ako at kilala ko 'tong si Wardell, paniguradong uubusin niya ang oras niya para mahanap ang intruder at ayoko nang abalahin siya, nagkaroon ng problema ang isa sa mga kompanya niya at ayoko na dumagdag pa ako sa mga iniisip niya.

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon