Chapter 5

60 3 2
                                    

"Pupunta tayong cemetery mamaya, don't forget."

Paalala ng lola nila Keener sa kanila. Tumayo ito at iniwan muna kaming tatlo.

"So, magpinsan pala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa pero pareho silang hindi sumagot.

"Ano? Pipi lang?"

"I'll explain to you later," sabi ni Keener.

"How 'bout you?" Nagtaas ako ng kilay kay Gideon.

"Why? Do I need to explain to you?"

Kumulo naman agad ang dugo ko.

Napakabastos talaga! Paniguradong kaya hindi sila magkasundo ni Keener ay dahil sa ugali niya.

"You're working for me-"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "For your brother."

Tumayo si Gideon at nagwalk out.

Agad ko namang nilingon si Keener.

"Bakit hindi niyo sinabi?"

He took a sigh. "'Cause I'm trying my best to cut tie with him."

"Bakit?"

He shrugged his shoulders.

Halata kay Keener na wala talaga siyang balak sabihin sa akin kaya naman hindi ko na lang din siya pinilit.

Matapos kumain ay nagyaya na si Keener na mamasyal kami sa kabuuan ng farm nila.

Pasakay na kami sa utility farm vehicle nila nang tawagin si Keener ng Lola niya.

"Keener, bumalik agad kayo, okay? We're going to the cemetery," pagpapaalala ulit nito.

Tumango lang si Keener tapos ay inalalayan na ako pasakay sa utility farm vehicle nila.

"Wow! This is so refreshing!"

Manghang mangha ako habang iniikot namin ni Keener ang farm nila. Sobrang ganda at ang organize ng farm nila, as in! 'Yong tipong parang sa farmville lang may ganito.

"Could you take a picture of mine?" I asked for a hundredth time.

He smiled and nodded. "Sure."

After ng ilang shots ay tinawag niya si Kuya Nilo, iyong helper nila dito sa farm.

"Papicture po kami."

Magiliw namang kinuha ni Kuya Nilo 'yong phone ko.

"Sige po, Sir Keener."

Nag-init pa ang mga pisngi ko nang umakbay sa akin si Keener. Hindi ko tuloy alam kung anong itsura ko ngayon. Matapos ang pagkuha ng litrato ni Kuya Nilo sa amin ay gustong gusto ko na tignan 'yong mga pictures namin ni Keener kaya lang ay ayoko namang magmukhang excited na bata.

Mamaya na lang pagbalik sa farm house nila.

Itatago ko na ang phone ko nang pigilan ako ni Keener.

"May I see our pictures?"

Tumango ako at agad na inabot ang phone ko.

"I like this one."

Pagtukoy niya sa picture na kung saan ay nakawacky face kami. Inopen niya ang Bluetooth ng phone ko at ganoon din sa phone niya tsaka ipinasa ang picture.

At siyempre! Kinilig ang lola niyo, no!

"Thank you." He smiled.

Pinilit kong hindi mapatili sa kilig. "You're welcome."

Chasing Lies (Chasing #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon