Chapter 23

55 5 2
                                    

"I'll pick you up later, babe!"

"Sure, Molly."

It's been a week since I came back here in L.A. and my life will never be the same again.

Napilit ako ni Molly na sumama sa kanya sa isang club mamaya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong iniisip niya na baka nasisiraan na ako ng ulo. Paano ba naman ay inuubos ko ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho at sa oras na tumitigil ako ay bigla na lang tumutulo ang luha ko.

I'm fucking tired of crying because of him.

Hindi ko alam kung paano ako makakabangon mula sa sakit na ibinigay ni Keener or kung makakabangon pa ba ako.

Sabado ngayon at balak ko sanang magtrabaho na lang ang kaso lang ay masyadong makulit si Molly kaya pinagbigyan ko na lang dahil mula pa ata noong maikwento ko sa kanya na break na kami ni Keener ay nangulit na siyang mag-night out kami. And of course, I told her the same reason that I told to my mom why me and Keener broke up.

Pababa ako mula sa kwarto ko nang marinig ko si Mommy na may katawanan sa kusina. Halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang nandoon.

"Oh, sweetie! You're awake na pala. Gideon is helping me to bake some cupcakes."

Ano pa bang kailangan niya sa akin? Ano pa bang kailangan ng pamilya nila sa akin?

"What are you doing here?" malamig na tanong ko.

"Jadiana! Ako ang nagpapasok kay Gideon. Nakita ko kasi siya jan sa labas."

"Mom, mag-uusap lang po kami ni Gideon."

Mabilis naman na tumango si Mommy. Aalis na sana siya rito sa kusina pero pinigilan ko siya.

"Let's talk somewhere else. Follow me."

Dinala ko si Gideon sa garden namin.

"Aren't you done with your revenge yet?" galit na tanong ko.

He took a sigh. "You married him."

"Na hindi dapat! Kung alam ko kung gaano kademonyo ang Keener na 'yon  ay hindi ko siya papakasalan!"

Lumungkot ang mga mata ni Gideon. "Jade, I love you..."

"If you really do, will you just fucking leave me alone?"

"But Keener loves you more. That's why he married you."

"Are you trying to be funny?" Pumeke ako ng tawa.

"Jade, you should believe in him. You should trust-"

"Tangina naman, Gideon! Niloko ako ni Keener tapos sasabihin mo na maniwala at magtiwala ako sa kanya? Siguro naging tanga ako dahil minahal ko siya pero hanggang doon na lang 'yon!"

"Tangina rin, Jadiana! Mahal ka nga ni Keener, mahal ka ni Keener! If you just trust him-"

"Alam mo? This is nonsense. You need to leave."

"Makinig ka naman. Alam kong grabe 'yong sakit na nararamdaman mo ngayon pero ito ang totoo, mahal ka ni Keener at hindi na-"

"Kung mahal niya ako, e nasaan siya? It's been a week and I haven't heard anything from him. Pero kung sakaling nandito man siya ay wala na rin siyang mapapala sa'kin, I will never take him back again in my life...never!"

"Makinig ka muna-"

Tila sasabog na ako sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Umalis ka na! Pagod na ako sa kasinungalingan niyo ni Keener. Just let me live in peace! O, baka naman hindi pa rin kayo tapos maghiganti? Ano pa bang gusto niyo?"

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now