Chapter 24

49 5 2
                                    

"I did what?"

Tama ba ang narinig ko sa sinabi nitong baliw na lalaki sa tabi ko?

Imbis na sagutin ay ngumisi lang siya nang nakakaloko.

"Abnormal."

He laughed. "Ouch! So, you really can't remember me? You just gave me my first heartbreak."

"Who the hell are you?"

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap ko pa ang isang 'to kahit halata namang maluwag na ang turnilyo niya.

"You'll find out soon. But don't worry, we're allies." Kumindat pa siya.

Inirapan ko na lang siya at inalis na ang atensyon ko sa kanya. Masasayang lang ang oras ko kung bibigyan ko pa siya nito.

Pagod na pagod ang katawang lupa ko nang makarating na ako sa Mactan-Cebu International Airport. Halos 35 hours ang byahe mula LAX. Good luck talaga sa jet lag ko.

Balak ko na sanang tumawag ng taxi nang may lumapit sa'kin at may dalang cardboard kung saan ay naroon ang pangalan ko.

"Ms. Jade Wainwright? Pinasundo po kayo sa'kin ni Mr. Wainwright." Itinuro niya ang itim na Range Rover sa hindi kalayuan.

Tumango naman ako at iniabot na sa kanya ang luggage ko.

Laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa backseats ng Range Rover.

Si Wardell.

"What are you doing here?"

He just shrugged his shoulder.

Hindi kaya?

"Did my father hire you to be my bodyguard?"

Humagalpak siya sa tawa. "You're bodyguard? Are you serious?"

"Then who the hell are you?"

Hindi niya ako sinagot at nagtipa sa phone niya. Maya maya lang ay may tumawag sa kanya.

"Hello? Yes. I already arrived here in Cebu."

Umirap ako. Wala talaga akong makuhang sagot sa bwiset na 'to. Pero paniguradong si Daddy ang dahilan kung bakit nandito 'to. Sigurado ako na bodyguard ko ang isang 'to.

"Manong, lumapas na tayo," ani ko sa driver nang lumampas na siya sa 32 Sanson Condominiums kung saan ako titira dito sa Cebu.

"You will not live there," biglang sabat ng katabi ko.

So nakakaintindi siya ng tagalog? Sabagay mukhang may lahing Pinoy naman ang isang 'to.

"I'm Filipino-American," aniya na tila nabasa niya nanaman ang iniisip ko.

"Are you a telepathic or what?"

He laughed.

Pumasok ang sinasakyan naming Range Rover sa Mandani Bay, one of the luxury condominiums here in Cebu.

Pagdating sa loob ay agad na may sumalubong sa amin para mag-abot ng luggage trolleys.

Pumasok kami sa isang private lift lobby kung saan ay derecho sa penthouse suite.

"Did my father buy this?" tanong ko kay Wardell nang makapasok na kami sa loob ng penthouse. Based on how luxurious this penthouse is, I think the price is around 20 million or more.

"It's a three bedroom penthouse. Your room is ready."

Sumalampak sa couch si Wardell at pumikit. Hinilot niya ang sintido niya.

"How 'bout you? When will you leave me alone?"

Dumilat siya at ngumisi.

"Don't expect me to leave, it's my suite."

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now