Chapter 31

56 3 2
                                    

Itinuro niya ang dibdib niya. "Hindi makatiis at sinundan ka sa Pilipinas matapos ang tatlong taon."

I bite my lower lip.

Gusto kong paniwalaan ang lahat ng sinasabi niya. Gusting gusto ko...

"Yes, totoong nag-apply ako sa hotel niyo para mapalapit ulit sa'yo pero hindi para maghiganti pa, kung hindi ay para ipursue ka, Jade."

"Pero hindi mo 'ko ipinursue noon."

"I was about to."

Malungkot akong ngumiti. "But you didn't."

"Umiyak si Lola sa harap ko. Nasasaktan, nadudurog at hindi ko kayang maging makasarili. Don Lewis is Lola's world at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubusan na natatanggap ang nangyari sa pamilya namin." Nangilid ang mga luha ni Keener.

"Kaya ba itinuloy mo na lang ang paghihiganti kagaya ng plano niyo?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi. Nangako kami ni Lola sa isa't-isa na lalayo ako sa'yo at titigilan ka na niya. Na itatapon na namin ang lahat ng planong paghihiganti kaya matapos noon ay ilang taon nanaman akong nawala sa buhay mo."

Everything he's telling me is making sense now.

Naalala niyo noong birthday ni Donya Felipa? Sinaktan ako ni Keener nang sabihin niya na hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon na dahilan kung bakit lumayo ako at bumalik na sa L.A. Kung totoo man na gusto niya pang ituloy ang plano nila ay dapat hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya noon. But he let me go.

"Si Gideon? Tutol na tutol siya sa atin dahil sa gusto niya akong protektahan mula sa'yo." Pinipilit kong pagtugmain ang lahat ng sinasabi niya.

Tumango siya. "Dahil akala niya ay ginagamit pa rin kita dahil iyon ang sinasabi ni Lola sa kanya. Lola manipulated us, ako at si Gideon."

Nangunot ang noo ko. "Pero iyong birthday ni Lola mo. Isinama ako ni Gideon sainyo para madatnan kayo ni Tria, hindi ba? Sinadya ni Gideon iyon?"

"It was all part of my plan. Gusto kong maramdaman mo na hindi ka ganoon kahalaga sa'kin, gustong ko na tumakbo ka palayo sa'kin pero ako pa rin ang sumunod sa'yo sa L.A. Jokes on me."

Nangilid ang mga luha ko.

Everything he said is really making sense now.

"Keener."

"Jadiana, I married you because I fucking love you. Those years without you is the darkest times of my life. I fucking love you, my wife, so much!"

Gustong gusto ko na siyang yakapin pero marami pang tumatakbo sa isip ko. Marami pa akong gustong masagot na katanungan.

"E, ano 'yong muntik niyo na akong patayin ni Gideon?"

Namilog ang mga mata ni Keener. "What? What are you saying?"

"Sa rest house sa Laguna. Noong nabaril ka ni Gideon. Ako dapat ang babarilin niya, right?"

Nagulat ako nang hampasin ni Keener ang manibela.

"Fuck! Wardell is poisoning your mind. Siya ang bumaril sa'kin hindi si Gideon." Umigting ang mga panga niya.

"Pero inagaw niya lang ang baril kay Gideon kaya sa'yo naiputok-"

"Baby, no!" He looks hopeless. "That's not what happened."

Napahilamos siya sa mukha niya.

"Si Wardell ang bumaril sa'kin. Wala na si Gideon nang oras na nag-uusap tayo. Pabalik na siya sa Manila. Wardell manipulated everything. Damn!"

Chasing Lies (Chasing #7)Where stories live. Discover now