Chapter 42

753 52 46
                                    

Vice's P.O.V

Natapos na ang lunch break kaya naman nandito na kami sa loob ng conference room. As expected hindi pa rin ako pinapansin ni Ion. Di man lang magpaka professional ang kuya nyo at hanggang dito ay di parin ako tinatapunan ng tingin.

"So the said month is August. But since we still have a lot to fix, we decided to move it to October" Paliwanag ni Ms. Gina

Namove ang date ng Expansion kaya isa lang ibig sabihin nyan. Matagal ko pang makakasama ang kumag na ito. 

"Sus kunwari ka pang ayaw mo ay pabor na pabor nga sayo e"

"Oo nga, parang di hinihiling na makasama sya pangmatagalan e" 

Umiling ako't nagbabakasakaling mawawala ang mga iniisip ko. Pero lalo lang ata ito lumala ng biglang syang tumayo at pumunta sa unahan. 

He started to talk about the said expansion. Nag simula sya sa kung ano ang mga problemang mae-encounter pa namin. At mga posibleng solution para dito. 

Hindi rin naman nagtagal ay ako na ang tumayo at nagsalita. Naging maayos naman ito ng ilang minuto hanggang sa nagsimula na syang sumingit sa lahat ng sinasabi ko.

"Bakit kaya di na lang ikaw yung dito sa harap. Puro ka na lang sabat" sabi ko ng hindi ko na napiligan sarili ko. 

"Pinapaalala ko lang sayo yung mga nakakalimutan mong banggitin. Masama na pala yun ngayon?" sagot naman nito.

Huminga muna ako ng malalim at tyaka napagdesisyunang tapusin na ang speech ko. 

Umirap muna ako sa kanya bago tuluyang umupo sa tabi nya. 

Nakakabadtrip naman ilang oras ko pa man din pinaghandaan ang speech na yun tapos ganun lang ang gagawin nya.

Ilang oras pa ang lumipas at tuluyan na ngang natapos ang meeting. Tinanong ko naman si Isabell kung may gagawin pa ako pagkatapos nito. Nilinaw naman nya na wala na kaya wala pang alas kwarto ay naka out na ako.

Byumahe na lamang ako kesa abalahin si Ion. For sure di rin nun ako papayagan. 

Habang tinatahak ang kalsada papunta sa kanya ay hindi na ako mapakali. Sobrang tagal ko rin hindi sya nakita. Kung may tao mang makakapagpasaya sa akin ng tunay. Sya lang yun.

 "Ma'am, andito na po tayo." sambit ni kuya. Inabot ko naman ang bayad ko.

"Keep the change" Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Mahaba-haba ang lalakarin ko papasok pero ayos lang kung ang kapalit naman ng lahat ng ito ay ang masilayan sya.

"Good Afternoon Ma'am Vice" Bati sa akin ni Kuya Wes.

"Good Afternoon din Kuya Wes. Asan si Baby?" 

"Nako Ma'am hindi ko lang po sure. Baka po asa canteen nagmamatakaw" natatawa nitong sabi.

Tumawa na lang ako at nagpaalam na pumasok.

Nagulat naman ako ng may biglang tumawag sa akin mula sa likod.

"Vice?"

"Sister"

"Napadaan ka ata?" 

"Hindi po, sinadya ko ho sanang pumunta. Nami miss ko na po si Baby e" Pag-amin ko dito.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now