Chapter 23

801 41 28
                                    

Vice's P.O.V

Ngayong araw na ang balik namin sa trabaho kaya naman maaga pa lang ay nakaayos na ako. Syempre baka magkukuda pa si Ion. Kasi sya parin ang magsusundo saakin. Ewan ko rin sa mga magulang ko pwede na naman nilang ibalik kotse ko.

Bumaba na ako at naabutan kong nasa hapagkainan si Ion at nakain.

Yes you heard it right. Dito na kasi sya nakain ng almusal kapag napapaaga ang punta nya dito. Oh diba driver na driver lang ang dating.

"Goodmorning 'nak" Bati saakin ni Manang.

"Goodmorning Manang" may ngiti kong pagbati.

"Morning" bati ko rin kay Ion. Pero tila wala syang narinig at patuloy parin sa paglamon nya.

Natapos na nga kaming kumain at byumahe na papuntang kumpanya. Tahimik lang sa loob ng kotse ng biglang magring ang phone ko.

Tingnan ko naman ito at nakita kong si Buern ang tumatawag kaya naman ngiting ngiti ko itong sinagot.

"Hiiii!" Tili kong sabi.

"Pakibabaan naman po Ms. Vice" pag saway nito.

"Hi...." Mahinhin ko naman sabi.

"Ayan much better!"

"Ay baks may surprise nga pala ako sayo!" Dagdag pa ni Buern.

"Ey! De ne nemen kelengen. Ene be kese yen?" Pabebe kong sabi. Narinig ko namang tumawa lang sya kaya pinagpatuloy ko parin ang pagsasalita ng pabebe.

"Tama na, tama na. Basta mamaya malalaman mo na lang"

"Ay bakit kinakabahan ako" sabi ko na may halong pangamba.

"Kasi mag e-enjoy ka dito?" Sagot nya.

"Basta mamaya ko na sasabihin ang iba pang detalye. But for now mag ingat ka papuntang trabaho. Huwag ng makulit sumunod na lang kina Tito" bilin nito bago pinatay ang tawag.

Si bakla kung makahabilin akala mo sobra yung kakulitan ko. Pero sa bagay makulit naman talaga ako. Kaya nga laging nagro-grounded.

Lumipas pa ang ilang minuto bago kami nakadating sa kumpanya. And as usual si hipon agad ang sumalubong saamin. Ay este si Isabell.

"Goodmorning Ma'am" Bati nito ng makalapit saamin. Nginitian ko lang sya at take note peke ang ngiting yun. 

"Goodmorning din po Sir Ion" dagdag nito sabay lapit pa kay Ion.

Pigilan nyo ko makukutusan ko talaga ito ng isa.

"Goodmorning Isa" ngiting sagot ni Ion.

Tangina nanaginip ba ako? Si Ion binati pabalik si Isabell? Anong nangyayari? So kapag kay Isabell sasagot sya tapos saakin hindi man lang nya ako tatapunan ng tingin.

"So ano tatayo na lang tayo dito di na tayo magsisimula sa trabaho" mataray kong sabi sa dalwa. Aba ke aga aga maiimberna agad ako. No way!

Bigla namang lumipat sa pwesto ko si Isabell at nagsimula ng sabihin saakin ang mga nangyari nung ilang araw naming pagkawala.

So far wala pa naman daw nagiging problema kaya naman tinanguan ko lang sya at dumeretsyo na sa office ko. 

Naramdaman ko namang sumusunod lang saakin si Ion kaya hindi ko na sya sinabihan na sumama saakin.

Nakatutok lang ako ngayon sa laptop at ganun din si Ion. Chinecheck kasi namin ang mga documents na need ipasa para mas mapadali ang expasion na ito.

Lumipas ang oras at nakaramdam na ako ng gutom. Chineck ko ang orasan sa may table ko at nakitang alas dose na pala ng tanghali. Kaya naman napagpasyahan ko ng mag ayos at bumaba.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now